Chapter 12-Light

521 16 0
                                    

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay bumalik kami sa plano namin, which is searching a gift for Tita. Umabot kami ng dalawang oras sa paghahanap ng ireregalo ko and guess what is it? You won't believe me, really.

"Gosh! Peppa Pig!"

I don't know kung matutuwa ba ko sa reaction ni Tita or mawiweirduhan. Yeah, I bought her a peppa pig comfy sleepers. I learned from Diego na gustong gusto ni Tita si peppa pig. Naweirduhan nga ako nang malaman ko iyon. Seriously? A 50-year old woman likes peppa pig? Kung si Janine sana pwede pa but Tita Carol? I was really surprised!

"Omg Daphne! You don't know how much I like your gift! Thank you!" Nagulat ako nang yakapin nya ko ng mahigpit.

Okay, I can't breathe at mukhang nasense ni Diego ang paghihirap ko.

"Mom don't kill her" Diego said exaggeratedly, kaya kumalas na si Tita sa yakap at nahihiyang ngumiti sa akin.

"I'm sorry. Masyado lang akong natuwa. Ngayon lang kasi may nagregalo sakin ng ganito. Most of them think that I like luxury gifts, they don't know what I really like. Thank you ulit" ani ni Tita na hanggang ngayon ay abot tenga parin ang ngiti. Masaya naman ako of course dahil napasaya ko sya. We may not be that closed yet, pero syempre I still want her to be happy.

"It's okay po Tita and you're welcome" inangat ko ang gilid ng labi ko para sa isang ngiti.

"You don't know how much she loves Peppa Pig, Ate Daph" si Janine at humagalpak sa tawa.

We just finished our dinner and we're here at the living room, watching Tita opens her gifts. Nagpa-catering si Tita for the dinner a while ago kaya naman busog na busog kami.

"Janine Hartford are you laughing at me?" Taas kilay na tanong ni Tita. I suddenly remember Diego when he's calling my full name kapag naiinis sya o galit.

"No" she giggled and I found it cute.

"Baka naman gusto mong buksan ang gifts namin? Masyado kang naoverwhelmed sa gift ni Daphne. Nagseselos tuloy mga gifts namin" ani ni Tita Yuri na nakanguso pa, nakilala ko na ang mga relatives ni Diego and they are all fun to be with lalong lalo na si Tita Gina. Sobrang nakakatuwa sya, sakanilang tatlo nila Tita Yuri at Tita Carol sya ang pinakajolly. Yung mga Tito naman ni Diego nakakatuwa rin pero hindi tulad ng mga Aunties nya, may pagkaseryoso kasi sila eh. Their family isn't like other rich families out there, they're kind and they know how to have fun.

Nakilala ko na rin si Kuya Jairus and Ate Shaine, they are so sweet! At nalaman ko rin, based on my speculations, na si Ate Shaine ang tinutukoy ni Diego noon. Nameet ko rin ang apat na cute na cute na chikiting. Pamangkin sila ni Diego. Si Jacob and Shaina ay anak ni Kuya Jairus at Ate Shaine then si Louie at Hyacinth naman ay anak ni Kuya Drake at Ate Shine na parehong sweet rin. Kapag nga pinapanood ko silang apat nabibitter ako eh. Hindi ko maalala kung naging ganoon ba kami kasweet ni Calvin noon.

"I'm sorry. Ito na nga" ani ni Tita Carol at binuksan na nga ang ibang mga gifts sakanya. Nahiya naman ang gift ko dahil as expected puro mahal ang mga regalo nila.

"Mommy! Louie stole my lollipop!" Napangiti ako nang makitang tumatakbo palapit si Shaina kay Ate Shaine. Ang cute! Tapos nakasunod ang tatlo sakanila. Panghuli si Louie na ngayon ay kinakain na yung lollipop ni Shaina. Panigurado ako kapag tumanda ang mga to, tiyak na ang gugwapo at ang gaganda nila.

Kaninang nameet ko sila I really want to pinch their cheeks. Ang tataba kasi nila lalo na si Jacob, ang pula ng pisngi.

"Louie why did you do that?" Tanong ni Kuya Drake, ang gwapo nya! Sayang lang at may asawa na sila ni Kuya Jairus.

One Last FallWhere stories live. Discover now