Chapter 1: A Knight

85.5K 984 35
                                    

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area please try your call later..
The number you ha ... *click*

"Oh common. Ugh!". Naiinis na sambit ko. Hindi sinasagot ng bestfriend kong si Chloe ang tawag ko kanina pa.

"Hello? Best.. Kanina ka...". Finally, sinagot din niya ang halos hindi ko na mabilang sa dami na missed calls ko.

"Myghad! Chloe where are you?". Pagputol ko sa sasabihin niya sana.

"Sorry Claire, naka silent pala ung phone ko, malapit na'ko jan". Tarantang sagot din niya.

"Pasok ka na lang agad pag dating mo, I'm just in my room, waiting for you." Matamlay na sagot ko dito.

"Chloe?." Muling pagtawag ko ng pansin nito nang bahagyang tumahimik sa kabilang linya.

"A-ah sige Claire, I'll be there in a couple of minutes." *click*

I sighed. Mag-iisang oras na yata akong naghihintay kay Chloe. Ugh! Kung kaunti lang sana ang dalahin ko ay kanina pa ako umalis dito.

Kaka enrolled ko lang kasi sa isang sikat na university malayo sa bahay namin kaya kinailangan kong mag dorm malapit dito. Elementary palang ako gustong gusto ko na mag aral sa school na yun dahil sa ganda ng mga facilities nila at kalidad ng teaching ng mga professors. Masasabing kapag wala sa resume mo ang pangalang ng school na iyon ay siguradong mahihirapan kang mag apply ng trabaho.

Best friend ko na si Chloe mula pagka bata. Halos kasama ko siya sa lahat ng lakad at siya lang ang tanging napag sasabihan ko ng lahat ng mga problema at kaartehan ko sa buhay. Daig pa namin ang kambal na hindi mapag hiwalay.

Nag iisang anak lang ako at kasalukuyang naka stay sila mom at dad sa rest house namin sa New York for some business matters kaya ako lang mag isa dito sa bahay. Ayoko kasi na mag hire pa sila ng mga maids at dahil malayo ang dorm na tutuluyan ko pansamantala, nag suggests si Chloe na ihahatid niya ako ngayon doon since may kotse naman siya. Yayamanin ang lola niyo.

Ilang minuto din ang nakalipas when I suddenly heard a knock.

"Chloe?" Paninugurado ko naman. Baka mamaya magnanakaw na pala diba? Magnanakaw na marunong kumatok.

"Claire." Biglang pag yakap niya sa akin. "Sorry kung nalate ako. Tara na?"

"Wala ka pa ding pagbabago!" I hissed. Sweet pa din!

Binuhat niya ang ilan sa mga bag na dala ko at isinakay sa tinted black car niya. Nang mailock ko na ang bahay ay umalis na din kami.

***

Chloe's

Off-shoulder top and skinny jeans. "Sh*t!" I cursed. Hindi ako makapag decide ng isusuot ko! I took my phone to check the time.

Claire 💕
14 missed calls

"Ay kulugong tinubuan ng face!" muntik ko ng mabitawan yung make-up kit na hawak ko nang biglang mag ring ung phone ko.

"Hello? Best.. Kanina ka..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nag salita na agad siya.

"Myghad! Chloe where are you?" Naku! Lagot.

"Sorry Claire, naka silent pala ung phone ko, malapit na'ko jan." I lied.

"Pasok ka na lang agad pag dating mo, I'm just in my room, waiting for you." I suddenly feel hot. Waiting for me?! Yes I'm attracted to both men and women but I'm talking to my bestfriend and... wait! what's wrong with you Chloe? Claire is your bestfriend. A bestfr...

"Chloe?" I snapped out of my thoughts.

"A-ah sige Claire, I'll be there in a couple of minutes." Then I hang up. gosh! okay na siguro itong suot ko, bahala na nga.

I immediately grab my keys and walk fast outside.

Nang makarating ako sa bahay ni Claire ay agad akong tumungo sa kuwarto niya. I knocked at the door and open it as soon as marinig ko ang boses niya. Na e-excite ako na hindi ko maipaliwanag.

**

Habang nasa biyahe, tinitignan tignan ko si Claire, Secretly! Dahil ayaw ko naman siyang mailang sa akin.

Ang cute niya! I smirked. Para siyang bata na na-aamaze sa mga nada-daanan namin na landmark. Her tantalising eyes, her pointed nose, and that soft and natural red lip. Ugh! Nakakagigil.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Alam kong bisexual ako pero.. pero bestfriend ko si Claire. I don't remember when and how did I start liking her. Air-conditioned​ ang kotse ko but why am I sweating.

"Best.." Pag tawag ni Claire ng pansin ko.

"What? Ha? Ano yun?" Gulat na sagot ko.

"Kanina pa malalim iniisip mo ah? Share mo naman yan." Natatawang sabi nito sa akin.

"Ah wala, wala naman akong iniisip haha." Palusot ko na lang.

"Kidding aside best, thank you ha? Sinamahan mo ako kahit alam kong busy ka." She smiled. That smile again! Kung ganyan lang din naman, kahit araw-araw pa kita samahan.

"Kaya wag mo akong ipagpapalit sa iba, ako lang dapat ang knight in shining armor mo." I teased.

"Haha, of course, ikaw lang ang magiging best friend ko, wala ng iba." She laughed. Ouch! Oo nga pala, best friend lang. "Knight huh? I Wish I'll meet my knight in shining armor soon." She whispered.

-

After almost two hours of tortured este biyahe, nakarating na din kami.

"Claire.." I called her softly habang tinatapik ko ang balikat niya. Ayoko sanang gisingin ang anghel na mahimbing na natutulog sa tabi ko ngunit gabi na.

"Hmm. Nandito na ba tayo?" Balikwas niyang sagot.

"Yes, we are." I smiled at her.

Lumabas na kami ng kotse at kinuha ang mga gamit niya sa backseat at naglakad papasok ng two-story dorm house.

"So this is it. Magiging magkalayo na tayo." I suddenly feel sad.

"Ano ka ba, parang hindi naman tayo magkikita, edi dalawin mo'ko dito." Nakangiti ito. "Kung dito ka nalang din sana mag ka-college.." Habang binubuksan niya ng susi ang pinto.

Gusto ko sana pero wala pang kasama ang bunsong kapatid ko sa bahay. Nag out of town kasi sina Mommy at Daddy for business matters kaya sa malapit na school muna ako pansamantala para mabantayan ko din ang kapatid at ang bahay namin.

Nang mabuksan ni Claire ang pinto at akmang bubuksan ang ilaw, nagulat siya ng bigla ko siyang yakapin. Hindi ko na kasi mapigilan!

Ilang sandali din ang nagtagal matapos na tuluyang bumukas ang ilaw nang may biglang nagsalita. Malamig at malamlam na tinig.

"What a nice view." Sabi nito sa amin.

"W-who are you?" Tanong ko sa isang babae na mala anghel din ang itsura at mala model na nakahiga sa sofa ng sala habang pinihit ko naman si Claire papunta sa likod ko.

"I'm Elise, Elise Knight. How bout' the two of you?."

****

Vote as much as you enjoy reading the story, Thank you 😊

©WeiWei

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now