Chapter 20: It's your Life, not theirs

20.9K 343 30
                                    


Claire

Natulala naman si Elise sa sinabi ko at hindi na nakapag salita. Tumayo ako para umakyat na sa taas dahil hindi ko na mapigil ang galit ko. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko at hinila paharap sa kanya. Seryoso ang mukha niya.

"What did you say? Manhid? Pa fall?" She whispered.

"Why? Diba totoo naman? Ang galing mong magpa-fall tapos-- " Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng inilapit niya ang mukha niya sa akin. We're in eye to eye.

"Na fall ka na ba?" She asked in a serious tone. Hindi ko din alam! Bakit nga ba ako nagkakaganito?

"Hell no!" Pag kalas ko sa pagkaka hawak niya na hindi naman niya ako binitawan.

"Ano ba?!" I exclaimed.

"Aminin mo na Claire. Hindi ka magagalit kung wala lang!" Pagtitig niya sa akin sa mata.

"I'm not into girls! In the first place, pumayag ba ako na manligaw ka?! I don't remember agreeing with you." I yelled.

"Cut it off Elise!" Tuluyan naman akong naka alis sa pagkaka hawak niya pero hinawakan niya ako ulit at iniharap sa kanya. This time niyakap niya ako. Sinampal ko siya nang muli akong naka kalas. Tumalikod na ako at umakyat.

Inempake ko ang mga damit at gamit na iuuwi ko sa bahay. Yes! Uuwi na muna ako. Bumaba ako dala ang mga gamit ko. Wala si Elise dito. Buti na lang dahil ayaw ko siyang makita!

Lumabas na ako at sumakay ng jeep pauwi sa bahay. Dalawang sakay ng jeep at isang tricycle ay makakauwi na rin ako.

Habang nasa biyahe hindi mawala sa isip ko si Elise at ang mukha niya kanina. Bakit kasi pinanganak kang babae? Kung sana lalaki ka na lang, hindi ka pa nanliligaw, sinagot na kita.

Natatakot kasi ako sa sasabihin ng ibang tao, lalong-lalo na ng parents ko. Aaminin kong gusto ko siya. Hindi lang gusto, mahal ko na siya pero hindi pwede it's forbidden.

May napansin ako bigla na nakaupo sa bandang dulo ng jeep. Parehong babae na halatang magkasintahan. Paano ko nalaman? Kasi magka holding hands sila at nagpupunasan pa ng pawis. Napaka showy, maghihiwalay din kayo.

Bigla namang nag ring ang phone ko. It's Chloe.

"Hi bes." Pagbati ko dito.

"Claire where are you?!" Tanong naman nito agad sa akin.

"Ha? Bakit? May nangyari ba?" Natatarantang sagot ko naman.

"Tinawagan ako ni Elise, umalis ka raw ng dorm dala ang mga gamit mo?" She replied.

"Don't worry bes. Uuwi lang ako sa bahay." I uttered.

"What happened ba bes? I thought okay na kayong dalawa? I mean, there's progress, you know what I mean right?" Tanong naman niya.

"Tawagan na lang kita bes." I ended the call.

Pababa na kasi ako ng jeep. Sumakay agad ako ng tricycle nang makababa ng jeep.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now