Chapter 26: Will you?

19.3K 382 44
                                    


Chloe

"Thank you sa paghatid, ingat ka." I kissed Eunice on her cheek tapos ay bumaba na ako ng kotse niya.

Habang naglalakad may mga lumapit sa akin na mga lalaki. Freshmen, sophomores, juniors, and seniors. May mga hawak silang iba't ibang klase ng bulaklak.

"Miss, na saan po si Claire?" Sabi ng isang lalaki.

"Bakit hindi mo siya kasabay pumasok ngayon?"

"Oo nga ate may ibibigay sana kami sa kanya." Sabi naman nung isa pa. Mga admirers niya pala lahat ito.

"Move out of the way, hindi na kayo nahiya, hinahanap niyo yung taong wala." Sabi ng isang matangkad na lalaki.

"Oo nga, mga walang hiya tong mga to, flowers for you miss." Sabi naman ng isa pa.

"Well, thanks but no thanks, I can't accept that, sorry and baka couple of days pa makakapasok si Claire, something personal came up okay? I have to go, mali-late ako sa klase." Pag iwas ko naman sa kanila.

Habang nasa klase, hindi ako makapag concentrate. Paano kasi hindi mawala si Claire sa isip ko. Gusto ko sana siyang bantayan kaso hindi ako pwedeng umabsent ngayon, alanganin ako sa subject na'to. Math kasi.

Thank God at uwian na rin. Tapos na rin lahat ng klase for today. Pupuntahan ko na agad si Claire sa hospital.

Paglabas ay parang may kaguluhan sa labas ng gate. Makikitang sinusubukan ng mga guards na i-control ang crowd. What's going on there? May artista?

"Miss anong meron?" Tanong ko sa babaeng may hawak ng papel at ballpen.

"Ah si miss Eunice Lennox po kasi dumating. Nagpapa autograph kami." Excited na sabi naman ng babae.

"Wait, autograph?" Tanong ko ulit dito.

"Sikat na model kasi si Miss Eunice ng iba't ibang sikat na clothing line at sa iba't ibang bansa rin, representing our country, hindi mo ba alam?"

"At hindi lang iyon, napanuod ko din yung ibang mga movies na kasama siya, arghh she's so sexy." Sabi naman ng isa pang babae.

"Beshy papunta na siya rito." Paghila naman ng kasama nito sa kanya. Sikat na model daw? And who's that? Eunice Lennox? An actress and model? Seriously? Bakit hindi ko ata kilala? Ganun na ba ako ka outdated?

"Chloe? There you are." Si Eunice at palapit ito sa akin. She's the Eunice Lennox they are talking about?

Nang makalapit siya ay humalik ito sa pisngi ko. Why am I not surprised? Of course she's a model, I mean, look at that gorgeous body.

"Ayyyiiieeee!" Hiyaw naman ng mga nakakita.

"Tara na?" Pagyaya naman nito sa akin para umalis na.

"Idol pa kiss!" Sabay hawak naman nito sa kanya ng tapos ay akmang hahalikan siya sa pisngi.

"Hey stop it!" Pagkasabi ay hinila ko na si Eunice pasakay ng kotse. Muntik pa maka-isa yung babaeng yun ah!

"Lennox?" I gave Eunice a knowing look.

"Yeah, that's my screen name." She shrugged.

She Fell First (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon