Chapter 4: Knight of the Royal Academy

37.4K 721 27
                                    

Chloe

*Yawn*

"Good morning Snow, good morning Lily, good morning Sean, good morning Philippines." Bati ko sa alaga naming pusa at aso pati nadin sa kapatid ko habang naglalakad pababa ng stairs. Good kasi talaga ang morning ko dahil hindi pa ako nakaka recover kagabi.

*Flashback*

"Best thankyou sa pag hatid ha, dalawin mo'ko paminsan minsan dito. Mhhuaahh." A good bye kiss from her. She just kissed me. In my cheek. I know it's a friendly kiss but I like it.

Hindi ko na halos ininda ang layo ng biyahe ko. Puro kasi siya ang laman ng isip ko. I don't know when do I exactly started feeling this way towards Claire, my one and only bestfriend.

All I know is I'm always happy when we're together.

*End of flashback*

Kamusta na kaya si Claire? Kumain na kaya siya ngayon? Magkasundo kaya sila nung roommate niya? A random thoughts appeared in my head habang inihahanda ng mga maids ang breakfast namin ni Sean.

I missed Claire so much. Madalas sabay kami kumain. Breakfast, lunch, and even dinner. Dito ko na kasi siya minsan pinapatuloy since mag isa lang naman siya sa bahay nila. Sa katabing subdivision lang naman sila nakatira. Noon kasing Binagyo ang lugar namin 5 years ago ay napag pasyahan ng mga magulang namin na lumipat ng bahay. Sa kasamaang palad, magkaiba kami ng subdivision. Hindi naman din kalayuan pero ayos na din atleast madalas naman kaming nagkikita. Madalas din siya sa bahay at magka-sundong magka-sundo pa sila ni Sean, my little brother.

"Bakit hindi mo tawagan ma'am?" I snapped out of my thoughts as I heard mama Soleng's voice, the head of our maids at ang pinaka malapit sa akin. Tinuring ko na din siyang ikalawang ina dahil mula pagka bata ay siya ang nag alaga sa akin.

"S-sino po ang tinutukoy ninyo?" I said innocently.

"Sus, kahit hindi mo sabihin, kilalan- kilala kita at alam kong miss mo na siya." Sabi nito habang nilalapag ang ulam sa lamesa.

"Pero bago ang lahat kumain ka muna." Dagdag pa niya sabay ngiti sa akin. Nginitian ko din ito at niyayang sumabay na sa amin ni sean kumain.

Pagkatapos kumain ay tinawagan ko agad si Claire.

*Kriinnggg*

"Hello?" Sumagot naman agad ito.

"Good morning Claire, kamusta ka jan?" Bungad ko agad dito.

"Morning, ayos lang naman, medyo masakit lang yung ulo ko. Arg! Nakatulog pala ako kagabi." What time na ba bes?" Sunod sunod na sabi ni Claire. Tinignan ko naman ang time sa isang wall clock sa sala.

"Ahh. 10:36 am na Claire. Teka ano bang nangya-- "

"What?! 10:36 na?!" Gulat na sabi nito na ikinagulat ko din.

"Oo. T-teka? Ang haba yata ng tulog mo?" Sagot ko ulit dito. Hindi ito sumagot.

"Claire? Yuhooo?"

"A-ah bes text muna tayo, a-ano kasi, may aayusin lang ako. Bye bes. Love ya!" *Click*

Magtatampo sana ako dahil hindi man lang sinagot ng ayos ni Claire yung mga tanong ko, pero may Love you sa huli. Sh*t! ang sweet. Kompleto na ang araw ko.


Claire

Nagulat ako nang may naka handang pagkain sa side table ko. McDo Breakfast Meal, my favorite. Pero teka, ibig sabihin pumasok na naman si Elise sa kwarto ko? Siya lang naman ang pwedeng maglagay nito dito. May napansin din akong note sa gilid ng food.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now