Chapter 45: Memories

14.4K 409 44
                                    


Elise

She has a boyfriend now? Whoever he is, fvck that son of a b*tch!

She's mine and I'm going to win her back! Gagawin ko ang lahat para maibalik ang alaala niya!

"Let's go to Claire's house. Ah, mali, hik Angel daw pala ang pangalan niya." Susuray-suray na sinubukan kong maglakad.

"Master!" Pag harang naman ng ilan sa mga guards ko.

"Master, marami ka ng masiyadong nainom, kung ano-ano na ang sinasabi mo." Rinig kong sabi ni Simon sa akin.

"Umalis kayo sa dadaanan ko!" I presided over.

Aminado akong nahihilo na ako at sobrang sakit na ng ulo ko sa dami na rin siguro ng nainom ko. Hell I care! I want to see her!

"Master, hindi mo na kayang maglakad. " Si Simon ulit.

"You dare to counter my command? Dadalhin niyo ako kay Claire or pagsisisihan niyo na nabuhay pa kayo sa mundong ito?" Pag babanta ko naman sa kanila.

Wala rin naman silang nagawa kundi ang sundin ang utos ko. At dahil hindi ako pwedeng hawakan ng kahit na sinong guard or staffs ko maliban kay Simon, si Aubrey na personal nurse ko ang umalalay sa akin sa buong biyahe. Nakarating din kami sa liblib na lugar na sinasabi ni Simon na tinutuluyan daw ni Angel/Claire.

"Let me do this myself!" Sabi ko naman kay Aubrey.

"Master! Baka magkasakit po kayo?" Si Aubrey. I don't care!

"Sobrang lakas ng ulan Master!" Si Simon naman. I'm not blind.

"Tao po!" Kinatok ko naman agad ang pintuan ng isang maliit ngunit maayos na bahay na tinutuluyan ni Claire.

"Tao po!" Pag katok ko ulit.

"Nandiyan na! Sino ba yan at gabing gabi na?" Boses ng isang matanda. Siya na siguro si aling Cristina.

"K-kay Angel po.." Bungad ko ng buksan nito ang pinto.

"Diyos ko.. Ano't sumugod ka sa lakas ng ulan? Sandali tatawagin ko ang sadya mo." Natatarantang sabi naman nito. Maya-maya pa ay nakita ko na rin ang mukha ng babaeng pinakamamahal ko.

"C-Claire.." Nanlambot naman ang mga tuhod ko ng subukan kong ihakbang.

Angel

Naupo si Nanay sa isang kahoy na upuan namin dito sa bahay. Umupo din si Elise sa binigay na upuan ni Mikay. Wala kaming sofa o kahit anong malambot na upuan dahil hindi naman kami mayaman.

"Nakikiusap po ako aling Cristina, sa inyo po nakasalalay ang lahat." Sabi naman ni Elise kay Nanay.

"Hindi naman ako masamang tao para hindi pag bigyan ang iyong kahilingan." Sagot naman ni Nanay. This is it! Malalaman ko na din kaya kung sino talaga ako?

"Kung ganon, sasabihin mo na po ba ang totoo?" Tanong naman ni Elise.

"Angel, ineng pasensya ka na kung hindi ko sinabi ang totoo noong una pa lang." Pag baling naman ni Nanay ng tingin sa akin.

"Anong totoo po ba ang dapat ko o naming malaman?" Tanong ko naman kay Nanay. Ramdam ko naman noon pa na may hindi sila sinasabi sa akin ni Mikay. Bilang pag tanaw ko ng utang na loob dahil inalagaan din nila ako, hinayaan ko na lang dahil naniniwala ako na babalik din ang memory ko balang araw.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now