Chapter 31: Heirloom

19.4K 346 20
                                    


Claire

Finally, vacation na. Pumunta kami sa isang island na pag mamay-ari din ng family ni Elise. Just the four of us. Me and my love, Eunice and Chloe.

May malapit daw na falls doon kaya napag pasyahan namin na doon muna pumunta. May mga men in black na naka sunod sa amin lagi. As usual, guards ni Elise, pero nasa malayo lang sila palagi.

Halos hindi namin ramdam yung pagod kasi ang saya lang namin. Puro jokes si Eunice tapos gagatungan pa ni Chloe. Ako naman puro take ng pictures, kasi ang ganda ng love ko, este ng nature pala.

Lakad lang kami hanggang sa makarating sa falls. Wow! Ang ganda. Yan talaga ang una mong masasabi pag nakita mo yung falls ng malapitan.

Nagtanggal naman agad ng damit si Eunice para mag swimming. Ngayon ko lang napansin na maganda din pala talaga ang figure ni Eunice. She looks like someone who's a regular at a gym.

Siyempre hindi papatalo ang love ko. Nagtanggal na din siya ng damit. Myghad! Is she really my girlfriend? Ang swerte ko naman talaga.

"Bes? Uy bes? Anong nangyari sayo? Bakit natulala ka na diyan?" Si Chloe.

"Huh? Am I?" I replied na umiwas naman ng tingin sa kanya.

"Daydreaming sus." Pagkasabi ay tumalon na din siya sa tubig.

Pagkatapos namin sa falls, nagkayayaan pa kami na mag hiking. Ang hirap umakyat pero sulit naman pag nasa taas ka na. Ang ganda ng view at ang sarap sa feelings. Kung anong hirap ng pag akyat, ganun din sa pagbaba. Nakakalula kasi! Buti na lang at nandiyan ang love ko, laging naka alalay.

Kumain na kami sa restaurant ng resort. Ang sasarap tignan ng lahat ng pagkain. Kung pwede lang i-order lahat. Pero siyempre control lang tayo, baka bigla hindi na ako magustuhan ng love ko pag nagkataon.

Magkatapat kami ni love ng upuan, at dahil ayaw niya na katabi ko si Eunice, pinatabi niya na lang sa akin si Chloe.

"El, kelan niyo balak magpakasal ni Claire?" Si Eunice.

"E-hem! Tu-big!" Bigla akong nabilaukan sa sinabi ni Eunice. Ang sarap pa naman ng subo ko ng kanin.

"Ayos ka lang?" Si Chloe na tinatapik pa yung likod ko.

"Oo ayos lang, nasamid lang." I fake my smile. Hindi pa kasi napasok sa isip ko ang kasal, bago pa lang kaya kami ni Elise sa relasyon, kasal agad?

Kinagabihan naman, nagkayayaan na mag kantahan. Gusto ni Elise na sa private club nila kami but since tig iisang song lang muna kami, sa public videoke nalang kami, yung hinuhulugan ng barya.

Ako pa talaga ang unang pinakanta nila. Since napagod ako kanina, mababa lang muna ang kakantahin ko. My immortal by Evanescence.

Sunod naman si Chloe, maganda ang boses ni Chloe, ayaw niya lang maniwala sa amin. Fixing a broken heart naman ang kinanta niya.

Pinagtitinginan naman na kami ng mga tao, ang daming nanunuod.

Si Eunice naman ang sunod at mukhang hinaharana niya si Chloe. I won't give up by Jason Mraz kasi ang kinanta niya at panay pa ang tingin niya kay Chloe, ang ganda din ng boses niya. Nagpapalakpakan naman din yung mga tao.

Papatalo pa ba ang love ko? Siyempre kumanta din siya. Just the way you are by Bruno Mars. At yung version ni Maddi Jane ang sinundan niya. Myghad! Lalo akong naiinlove. Pang singing contest din ang boses niya. Naghiyawan naman yung mga tao pagkatapos niyang kumanta.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now