Chapter 32: Betrayal

17.4K 243 12
                                    


Chloe

After a happy, sad, rough and smooth long journey, naka graduate na din kami. Ako sa nursing, si Claire at Elise sa business administration and guess what? Summa Cum laude lang naman si Claire. We are so proud of her.

Si Eunice, hindi naman siya nag bago, ganun pa rin, hindi pa rin siya napapagod na suyuin ako.

Natutuwa nga sa kanya yung tito ko, sobrang galing niya kasi magpatawa at laging my sense of humor, hindi nga ata nawawalan ng iku-kwento ito. But lately, napansin kong napapadalas na lang ang pagdalaw niya sa akin. I wonder why?

Si Claire, iginagala at sinasanay na imaneho ang niregalo sa kanya ni Elise na black honda car. Tulad ng inaasahan, naging CEO naman si Elise ng company nila.

Ako naman, nag aapprentice sa isang tiyuhin ko na malapit lang dito sa dorm ang clinic. For experience. Ngayon ko lang din napag tanto na mahirap pala talaga humanap ng trabaho. That's why I am dreaming of building my very own hospital.

"Hello Ariane." Meet Dexter isa sa mga apprentice din ni tito Alex na naging classmate ko din sa medicine. Mas gusto daw niya na tawagin akong Ariane kaysa sa Chloe.

"Bulaklak para sayo." Sabay abot ng isang pirasong puting rosas sa akin.

"Ano na naman 'to dex?" Nakangiting sabi ko naman sa kanya. Palagi siyang may binibigay sa akin na kung ano.

"Pinitas ko pa yan sa bakuran namin kaya siguradong fresh pa yan." Nakangiting sagot naman niya. Siya yung simpleng tao lang at praktikal.

"Ay nako, baka mamaya pagalitan ka na ng ate mo." Natatawang sabi ko naman. I never permitted him na manligaw sakin, in fact, I already rejected him a long time ago, but he is still doing this.

"Pero salamat ha?" I genuinely smiled.

"Oh, mamaya na ang ligawan. May mga pasyente pa sa labas na kailangan asikasuhin." Si Tito.

"Opo Tito." I cracked up.

"Hi Tito!" Si Eunice na parang pagod na pagod at madaling madali. Bumeso naman ito kay tito. Sa wakas nagpakita ka rin.

"Oh hija ikaw pala." Si Tito ulit.

"Pwede ko po bang mahiram si Chloe? Sandali lang po talaga, pretty please?" Eunice smiled at tito Alex.

"What happened?" I mouthed to Eunice.

"Oh siya sige.. At dahil malakas ka sa akin at mukhang importante din naman yan, hala sige." Walang pag aalinlangan at ngumiti din naman si Tito kay Eunice. Maraming patients ngayon but when it comes to Eunice, my uncle is really smitten.

"Thanks Tito." Sabay hila sa akin palabas ng clinic.

"Help me!" Bungad agad ni Eunice sa akin.

"Bakit? What happened? Are you hurt?" Natatarantang tanong ko naman.

"No.. Uhm.. Marami akong kilalang doktor na magagaling pero ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko." Seryosong sabi naman niya sa akin na sumakay na sa kotse niya. Kinakabahan ako.

"Come on, we don't have much time." Pagkasabi ay sumakay na din ako at mabilis ngunit maingat na nagmaneho na siya. Hindi na ako nagtanong pa dahil mukhang kinakabahan kasi siya at may mga binubulong na hindi ko maintindihan.

"Where are we?" I asked dahil hindi ko na alam kung nasaan na kami.

"We're here.. Come on, bilis." She's usually composed but right now, hindi maipinta ang mukha niya habang pinagbubuksan ako ng pinto ng kotse niya.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now