Chapter 43: Kiss mark

14.7K 305 34
                                    


Angel

Parang kahapon lang dinala niya ako sa E.K, she treated me nicely tapos hinayaan pa niyang may mangyari sa amin, now she and the lady who's insisting that I am that Claire are together now?

Maybe this is for good. Maybe in this way, we can keep our relationship as boss and employee only.


I also need to talk to Josh. Cheating is never okay, it might be just a mistake for me but the fact that I initiated it, liked it, and let it happen. I will accept whatever the consequences of my actions will be but I need to be honest.

"Ms. Cruz?!" Biglang pag tawag sa akin na ikinagulat ko.

"Ay linta!" Nabitawan ko yung hawak kong folder dahil sa gulat.

"What?!" Tanong naman ng babaeng kasama ni Ms.CEO kanina. Myghad! Ipapahamak pa ako ng bibig ko.

"Ah ano po ma'am, wala po nagulat lang." Sabi ko naman sa kanya. Nagulat naman talaga ako.

"Whatever, come with me." She gestured tapos ay naglakad na sa hallway. I could've sworn that I saw her smirked.

"S-Saan po tayo pupunta ma'am?" Tanong ko naman sa kanya habang hinahabol siya.

"One thing.. Stop calling me ma'am." Sagot naman niya sa akin. Wow! Ang taray, anong gusto niyang itawag ko sa kanya?

"I told you my name already, I'm Chloe." She gave me a warm smile.

I know I'm being unreasonable right now. At one moment I was jealous of her, but right now, pakiramdam ko ay matagal na kaming magkakilala.

**

Mga ilang oras siguro na biyahe ay huminto kami sa isang parking lot tapos ay sa isang two-storey dorm house niya ako dinala. Ano kayang meron dito?

Dito kaya siya nag re-rent? Pero bakit niya ako isinama dito? Alam kaya ni Ms. CEO? Hala! Baka set-up to? Baka alam niyang may nangyari sa amin ni Elise? Is she planning to kidnap me and then torture me and then..

"Claire? Ayos ka lang ba?" Sabi niya sa akin ng mapansin niyang malalim ang iniisip ko.

"That name again?" Iritableng sagot ko naman sa kanya.

"Yeah, because that's your name.. Come with me sa taas." Sabi niya ulit at umakyat na sa hagdan. Sumunod na lang ako kasi mukha namang hindi niya magagawa yung mga kalokohang iniisip ko.

Sa unang pintuan siya pumasok kaya sumunod na lang ako. Ang ayos ng kwarto na'to. Mukhang maayos sa bahay yung nakatira dito.

Nakita ko na may parang album siya na kinuha sa cabinet ng kwarto.

"Maupo ka." Sabi niya sa akin habang binubuklat niya yung album.

"Album ni Claire lahat to, hiningi ni Elise kay tita Alice, ang Mom ni Claire." Sabay abot niya sa akin ng album.

Sa mga ilang pahina ng album, puro picture ng kabataan niya ang makikita. Nagulat naman ako sa mga sumunod na nakita ko. Totoo ba to? Ako ang nasa picture?

"Nagulat ka ba? Siya si Claire." Si Chloe ulit habang tinititigan ko ang picture. Kaya pala palagi nila akong tinatawag na Claire. Kamukhang kamukha ko siya. Mula sa hugis ng mukha, sa mata, sa ilong, sa bibig, sa lahat.

Iniabot naman niya ang sumunod na album sa akin. Kinuha ko naman at binuklat ito. Mga picture ni Claire kasama si Chloe ang una kong nakita. Super close pala silang dalawa. Mga ilang lipat pa at nakita ko naman si Claire na kasama si Elise. They surely are a great couple.

She Fell First (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon