Chapter 10: Girlfriend

26.2K 482 17
                                    


Hindi na naman ako pumasok ng school dahil gusto ko rin siyang makausap. Marami akong gustong itanong kay Kate.

Hapon tulad ng text ni Kate ay nasa tapat na ako ng apartment number 323 sa isang exclusive na apartment building na pag mamayaari naman ng family nila Kate.

Nang makarating ay agad din akong nag doorbell ngunit walang nagbubukas ng pinto. Nag doorbell ako ulit, wala parin. Hinawakan ko ang doorknob at nakabukas ito, pinihit ko ito at pumasok sa loob. Naliligo pala si Kate dahil sa naririnig kong lagaslas ng tubig mula sa bathroom.

Pinagmasdan ko muna ang buong kwarto habang nag hihintay. Hindi maipagkakailang favorite niya ang color pink dahil halos pink ang kulay ng mga gamit niya. At tulad ng inaasahan ko, makalat at magulo ang apartment niya dahil hindi naman kasi siya sanay na walang maids.

"Kanina ka pa?" I heard Kate's voice at my back.

"Bakit hinayaan mong nakabukas ang pin--" She cut me off by kissing me. What the? She's still naked. I pushed her to the extent na madulas siya sa kama niya. I do like it, but why did I push her? Since childhood siya lang ang gusto ko but what did I do?

"K-kate I'm sorry." I apologized almost instantly.

"Why El? Why? Diba yun naman ang gusto mo? I already know way back when we were still a child that you like me." She uttered. "And you just confessed everything, you couldn't say it before even though I am the one who keeps making the first move." She added.

"Yes I admit, I like you, I have liked you a lot since our childhood days but is this what you wanted to talk about?" Maglalakad na sana ako nang yakapin ako ni Kate mula sa likuran.

"Please El, let's talk about this. Let's talk about us, and our future. Look I'm sorry okay? Just talk to me." She pleaded with me.

Pinag-bihis ko muna siya pagkatapos ay saka kami nag usap.

Chloe

I was shocked at Claire's confession. Hickey pala talaga ang nakita ko malapit sa dibdib niya. At si Elise pala ang may gawa nito dahil may nangyari sa kanila. Ipinaliwanag sa akin ni Claire ang lahat-lahat. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, a mixed emotions. May mga sinasabi pa si Claire pero hindi ko na naiintindihan. Para akong naging bato sa kinauupuan ko. Sana pala hindi nalang ako nagtanong. Pero sino ba ako sa kanya para magalit? Bestfriend lang naman niya ako. Bestfriend lang.

"Chloe? Naririnig mo ba ako?" I snapped out of my thoughts as I heard Claire.

"H-ha? Ano nga ulit yun?" I asked.

"Sabi ko dapat ba akong magalit sa kanya? Alam kong may mali din naman ako." Si Claire. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Oo, kasi kung hindi baka isipin niya na ginusto mo ang nangyari." I said to her in a lame voice. Maya-maya ay bumukas ang pinto, si Elise at may kasama siyang isang babae.

"Hi guys." Pagbati ng babae sa amin. Bumeso-beso pa ito. She was the one with Elise's twin when I came back for my things a couple of days ago.

"Hello Kate, kamusta?" Si Claire. Magkakilala na pala sila 'nung babae.

"Dito muna yung girlfriend ko sa dorm until christmas break." si Elise. Girlfriend? Girlfriend pala ito ni Elise? Medyo napanatag ang loob ko sa nalaman.

Hindi na rin ako nagtaka dahil alam ko naman na noon pa ay may babae talagang gustong gusto si Elise, I didn't recognized Kate at all. Nakita ko din ang pagkagulat sa mukha ni Claire ngunit hindi naman ito nagsalita o nagtanong.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now