Chapter 14: Secret Admirer

22.2K 433 34
                                    


Ang dami yatang nakikipagkilala sa akin ngayong araw? Sino naman kaya itong Stephanie na ito?

"Okay hi Stephanie." At inabot ko ang kamay niya para makipag shake hands.

"Steph is fine, can I talk to you in private?" She replied. Tinignan ko naman si Chloe para alamin kung ano ang reaksyon nito.

"Sige na." Chloe mouthed at me.

"Thank you." I mouthed back.

"So uhm.. Tungkol saan ang pag uusapan natin?" I asked Steph nang lumayo layo na si Chloe.

"I'm Matthew's girlfriend." Bungad niya sa akin. Bahagya akong natigilan. Baka nandito siya para iconfront ako na tigilan na si Matt. Anyways wala naman akong ginagawang masama at isa pa si Matt ang lumalapit sa akin.

"Uhm.. If you are thinking na Matt and I are--" She cut me off.

"Shh.. I'm not here to confront you or whatever. I'm just here to warn you." Steph almost whispered.

"Warn me about what?" I asked.

Chloe

Hindi naman mukhang harmful yung babaeng lumapit na nagpakilalang Steph kaya hinayaan ko na silang mag usap. Well tanaw ko naman sila dito sa tabi ng kotse ni Elise.

"Chloe." A whispered in my ear that startled me.

"Ay butiki!" Gulat na nasabi ko. "Elise you startled me." I exclaimed at Elise who is beside me.

"Yeah, magandang butiki.. Malalim yata ang iniisip mo at hindi mo ako napansin na dumating?" Si Elise. She is calmer now for someone who is running around the school and firing staffs all day.

"Where is Claire?" Dagdag naman niya.

"Oh she's talking to someone named Steph." I uttered.

"Steph? Stephanie Cheon?" Gulat na tanong naman ni Elise sa akin.

"Yeah.. Yun ang pakilala niya samin." I replied. Biglang pumasok si Elise ng kotse niya. Binaba naman niya ng bahagya ang isang window na malapit sa akin.

"Tawagin mo na si Claire para makaalis na tayo, hurry." Natatarantang sabi sa akin ni Elise. Lumapit na lang ako kay Claire ng bahagya tapos ay sinenyasan ko siya na kailangan na naming umalis. Nagpaalam naman ito kay Steph tapos ay sumunod na sa akin sa kotse.

"Ano ang sinabi sayo ng babaeng iyon?" Bungad na tanong ni Elise kay Claire.

"Ha?" Tanging nasabi ni Claire habang umuupo sa tabi ko.

"Don't talk to that girl, ever again.." Elise trying to calm herself.

"Why? She's​ nice and girlfriend daw siya ni Matt." Si Claire naman.

"I know but.. It's a long story." She sighed. Pagkasabi ay pinaandar na ni Elise ang kotse.

Habang nasa biyahe tinanong ko si Claire kung ano ang sinabi nung babae sa kanya.

"She just warned me about Matt. Sabi niya napakaraming babae daw ni Matt at kung hindi ko daw siya iiwasan, hindi daw ako titigilan ni Matt." Panimula ni Claire.

"That's all?" I asked.

"Yeah.. That's all, what else could it be?" Claire replied to me.

She Fell First (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon