Chapter 3: Pervert!

41.4K 635 4
                                    

Elise


"Ugh! My head!" I uttered while parking my car across the dorm houses where the parking lot is.

Naparami yata ang nainom kong alak sa bar na pinuntahan ko kanina. Buti nalang at na kaya ko pang mag drive ng kotse ko.

Sa mga nakalipas na araw ng halos kalahating taon, puro inom ng alak dito, alak doon, gala dito, gala doon ang naging libangan ko. Sobrang naiinis ako sa mansyon. Kaya hindi ko rin tinapos ang first year college ko. Palagi nalang kasing yung mali ko ang nakikita samantalang yung magaling kong kapatid ang palaging magaling sa kanila. Kesyo matalino, masipag, mabait daw, talented, at lahat na yata ng magandang katangian nasa kanya na raw. Kaya kahit ano pa ang gusto niya, agad din naman nilang binibigay.

Pati kaisa-isang taong mahal ko at pinapangarap ko, nakuha din niya.

At bago pa ako ma depress ng tuluyan, napag pasyahan kong lumayo pansamantala at mamuhay mag isa. No maids, no butler, and no bodyguard. Gusto kong patunayan sa kanila na mali sila ng iniisip. I'm a Knight! I can handle myself.

That's why I am renting a one-storey dorm house malapit sa school na napili kong mag enroll next semester. Unluckily, No vacancy. May isa pa raw na available, but it's a two-storey dorm house. Well as a matter of fact wala naman problema, kaya lang masyado na atang malaki ito para sa tulad kong ngayon lang nawalan ng maids. So I suggested na kung may mag hanap man na babae ng dorm house, syempre dapat babae, ay pwedeng pwede naman sa akin isama. Sana lang ay makasundo ko ito.

As I entered the dorm, agad kong hinubad ang suot kong sapatos at humiga sa sofa bed na binili ko. Halos lahat ng gamit dito ay binili ko, I should at least be comfortable.

Feeling ko mabibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit hanggang sa nakatulog na lang din ako.

After a while naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko mula sa pintuan. Ngayon nga pala ang dating ng dormmate ko.

"Ano ka ba, parang hindi naman tayo magkikita, edi dalawin mo'ko dito. Kung dito ka nalang din kaya mag co-college"

Ugh! Bakit binuksan yung ilaw? Hindi ko namalayang halos gabi na pala.

Namulat ko ng husto ang mga mata ko sa nakitang yakapan ni stranger one and stranger two. Teka, hindi nasabi ni Mrs. Lopez na dalawa pala ang roommate ko?. Ilang sandali pa'y nagsalita na ako.

"What a nice view?!"

"S-sino ka?!" Gulat na napahiwalay ng yakap yung isa.

"I'm Elise, Elise Knight. How bout' the two of you?" I replied

"Elise? t-teka a-anong ginagawa mo dito sa dorm ko?" Sabi naman nung isa pa.

"Really? no one have told both of you that someone is already here?" I smirked.

"What?!" The other stranger exclaimed.

"Ah s-sorry, nag over react lang kami, sinabi sa'kin ni Mrs. Lopez na may dormmate ako."

"Whatever! Dun niyo na ituloy sa taas yung ginagawa niyong mag jowa." I uttered.

"W-walang kami!" Halos sabay naman nilang sabi.

"And what made you think that we are?" Pagalit na tanong ng isa sa akin. "Bulag ka ba? Hindi mo nakikitang pareho kaming babae?" Dugtong pa nito.

"Whoa Whoa Whoa.. Easy there.. Why are you mad? It's not medieval period obviously. People are starting to normalized that." I smirked.

"Babae sa babae? Normal sayo yun?" She replied.

"Are you Homophobic? A church lady? What are you? You know what? You don't have to answer. I'm not interested! Just go and don't bother me! I'm trying to sleep." I said and covered my eyes with my right arm.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now