Chapter 54: Total Transformation

16.5K 356 157
                                    


Naging maayos naman ang takbo ng kumpanya sa pamamalakad ni Eunice. Mas dumami ang mga investors at shareholders. Mas naging organized​ ang production ng company. Ngunit hindi nagbago ang pananaw niya, hindi gustong hawakan ang business ng kapatid ko kaya ibinalik din nito agad ang pamamahala sa akin.

Hindi na nga siguro ako makapag focus sa trabaho, ilang buwan lang ang nakalipas at kabi-kabilang problema na naman ang kinaka harap ng kumpanya.

Kailan ka ba maaalis sa isipan ko?

"Miss CEO, here's the contract document for our new investor." Salubong sa akin ng secretary ko. Kinuha ko naman at binasa ng bahagya ang document habang naglalakad papunta sa office ko.

"Billion?!" I exclaimed at pansamantalang napahinto sa paglalakad. Alam ko ang kinalalagyan ng company ngayon at imposibleng may mag invest ng ganun kalaking halaga.

Kaagad ko namang hinanap ang pangalan ng investor. Lindshey Valdez, pati ba naman sa pangalan ng investor? I sighed.

"Summarize the content please." I asked my secretary.

"Okay miss CEO, the name of the investor is Lindshey Valdez from LV Corporation." I raised my hand to stop her.

"Wait what? LV Corporation? You mean the Lazaro-Valdez Corporation?" I asked.

"Yes Miss CEO, and she is.." Hindi ko na halos inintindi pa ang mga sinasabi ng secretary ko. Sa pagkaka alam ko ay walang ibang tagapag-mana kundi si..

"At naghihintay po pala siya sa VIP lobby for confirmations po." Sa narinig ay agad akong naglakad papunta sa VIP lobby. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Paano kung tama ang hinala ko? Pero paano kung hindi?

"Miss CEO may problema po ba?" Paghabol ng secretary ko.

Pagdating sa VIP lobby, kaagad na hinanap ng mga mata ko ang babaeng gustong-gusto ko ng kalimutan pero gustong-gusto ko ding makita.

"Miss Valdez?" Tumingin ako sa direksyon ng nagsalita at sa direksyon ng tinatawag nito.

There I saw a fine young woman na nakaupo sa dulong sulok na bahagi ng lobby. Nakatalikod ito at may binabasang mga documents.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kinaroroonan ng babae. Kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag. Parang gustong sumabog ng dibdib ko anytime.

How many years have passed, trying to sink-in everything in my mind na wala na, ayaw na niya and yet eto parin ako, I admit, gustong-gusto ko parin siyang makita, gusto ko parin siyang makausap, gusto ko parin siyang mayakap.

I was about to touch her shoulder nang bigla itong lumingon.

"Oh, miss CEO? Good morning." Pagbati niya kasabay ng biglang pagtayo ng makita ako.

To my dismay, hindi siya ang matagal ko ng hinahanap. Bakit hanggang ngayon umaasa parin ako kahit alam kong impossible na?

**

"Hindi ba't sabi ko ayusin niyo ang trabaho niyo, paano kung hindi nagustuhan ng client?" I shouted. Palpak na naman kasi ang project demo ng isang team.

"What happened here? Umagang umaga nagagalit ka na naman." Kate uttered as she entered my office looking good in her dress.

"Go back to work." She commanded them. I turned around my swivel chair to face the glass window. Ngayon na lang ulit kami nagkita matapos ang lahat ng mga nangyari. I've been wondering kung anong mga pinagkakaabalahan niya nitong mga nakalipas na taon, but this is not the right time to talk about it.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now