Chapter 37: How

15.5K 278 47
                                    


Chloe

Naglalakad ako pabalik ng room ni Eunice dala ang dalawang cup of coffee for Claire's Mom, Dad and Grannies nang biglang may makasalubong akong mga nag-tatakbuhang nurses and doctor.

Code Blue .. Code Blue .. Intensive care unit .. Code Blue .. Code Blue

Hinarang ko ang isa sa mga nurse para magtanong.

"Miss anong nangyayari?" I curiously asked.

"Nag flatline po yung heart rate ng pasyente sa ICU." He replied na nagmadali ulit sa pagtakbo. Oh God, I hope it's not Claire!

"Ma'am sa inyo na lang po itong kape." Binigay ko sa isang matandang nakaupo sa gilid ng canteen.

"Ay maraming salamat iha, kaawaan ka ng Diyos." She smiled.

Dali-dali naman akong naglakad papunta ng ICU. Please tell me it's not Claire! Please!

"Claire, please tell me it's not you!" I whispered into the thin air. Pinipigilan ko namang tumulo ang mga luha sa mga mata ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

My heart instantly sank when I arrived at the ICU hallway, nakita ko si Elise na inaawat ni Simon at ng ilang guard niya dahil halos magwala na ito habang umiiyak na naka silip sa salamin ng ICU.

"Claire! Claire!" Sigaw ni Elise. Umiiyak din na nakaupo ang Mom, Dad and grannies ni Claire.

"Don't leave me Claire! Back off! I want to see my girlfriend, Claire!" Pag pupumiglas parin ni Elise.

Nanghihina ang mga tuhod kong lumapit sa kanila. Tuluyan ng bumuhos ang walang tigil na luha sa mga mata ko nang marinig na ang flatline sound ay nang gagaling sa loob ng ICU, kay Claire.

Claire, I'm not ready for this.

"Chloe.. Chloe.. Good thing you're here." Lumapit naman sa akin si Elise ng makita niya ako, hinawakan ang mga balikat ko at tumingin sa mga mata kong walang tigil sa pag iyak.

"Lalaban pa si Claire diba? Mabubuhay pa siya diba? Hindi niya tayo iiwan diba? Sabihin mo sakin Chloe! Please! Tell me!" Umiiyak na niyuyugyog niya ako. I just hugged her.

I can see what's happening inside Claire's room mula sa kinatatayuan ko through the glass in the door window. They are doing defibrillation now.

"You are not going to die! You are not going to die Claire!" Umiiyak paring sabi ni Elise.

"1-2-3 Clear! .. 1-2-3 Clear! .. 1-2-3 Clear!" I don't want to see this! Iniwas ko ang tingin ko and closed my teary eyes.

Everyone who was crying silently, including me, cried louder as we heard what the doctor said.

"Time of death: 7:23 PM." Rinig ng lahat na sabi ng doktor habang naglalakad palabas ng kwarto ni Claire.

"I'm sorry, we did everything we could to save her life." Muling sabi ng doctor.

"Hindi totoo yan! Hindi totoo yan! Natutulog lang siya dok! Gisingin niyo na si Claire please! Chloe? Hindi niya tayo iiwan diba? Please? Baka nagkakamali lang kayo dok, paki-check naman ulit! Please!" Iniwas ko ng bahagya ang tingin ko kay Elise.

"Elise." I shook my head, this was so fvcking hard for me, to tell her that Claire was already gone. I sighed and released a deep breath habang tuloy padin ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko.

"No! No! Claire is still alive! Let me see her, let me see her!" Elise yelled so hard to the point that Simon had to hug her too.

Everyone in the hallway is crying, the nurses, and the doctors who are treating Claire, Elise's guard too, everyone can't help but shed tears.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now