Chapter 40: New Secretary

11.2K 188 6
                                    

Angel

"Angel, anong oras na?" Boses ni Nanay Tina, kanina pa kasi niya ako ginigising.

"Five minutes po Nay!" Sagot ko naman dito sabay dapa.

"Mahuhuli ka na sa final interview mo ineng." Sabi naman niya ulit. Sh*t! Oo nga pala.

Ngayon ang final interview ko sa CEO ng pinakamalaking company sa buong Pilipinas. Sa sobrang excited ko, hindi na ako halos nakatulog kagabi.

Dali-dali akong bumangon sa folding bed na higaan ko at dumiretso sa banyo.

Pagkatapos maligo, agad-agad din akong nagbihis ng isusuot ko para sa interview. Simple lang pero maayos.

"Square root of 1225? The square root of 625? Ano ba namang assignment to." Rinig ko namang reklamo ni Mikay, ang kapatid ko.

"Positive negative 35 and positive negative 25." Sabi ko naman.

"Ha?" Nagtatakang tanong ni Mikay.

"Yung sagot diyan sa pinoproblema mo." Ngumiti naman ako habang nagsusuklay ng buhok.

"Wow ate, hindi ka lang pala talaga maganda, magaling mag drawing, magaling kumanta at mabait, human calculator ka pa! Penge naman ng pang soft drinks oh." Mabilis na pambobola nito sa akin.

"Mikay, hindi pa nakakasimula sa trabaho ang ate mo, hinihingian mo na agad?" Pag saway naman ng Nanay.

"Oh eto na, nambola ka pa, anong oras na ba?" Tanong ko sa kapatid kong busy sa panunuod ng Korean nobela sa bagong cellphone niya na binili ko sa kanya habang nagsasagot ng assignment niya.

"Bakit, totoo naman yun ah, ano pa bang hindi namin alam sayo ate? at 6:21 am na pala." Sagot naman niya na kinikilig kilig pa sa pinapanuod niya. Lagot! 8 am ang interview at malayo sa kabihasnan ang bahay namin, that means malayo layo pa ang lalakarin ko bago makasakay.

"Ah sige salamat, nay aalis na po ako, Mikay ikaw muna bahala dito sa bahay ha?" Pag papaalam ko naman.

"Aye aye captain!" Si Mikay.

"Oh, siya sige mag iingat ka ha?" Si Nanay.

"Opo Nay!" Sigaw ko naman at naglakad na paalis.

**

Buti na lang at naka abot pa ako sa final interview kaya lang pang last na ako. Madami pala ang naka abot sa final interview. Gaano din kaya kadami ang hindi naka abot?

Matagal tagal din ang inantay ko hanggang sa ako na ang sunod. Bakit kaya sobrang ingat nila pag papasok na sa office ng CEO? Nakakatakot ba siya sa personal? She looks kind and like a celebrity sa mga newspaper na nakita ko before.

"Miss Angel Cruz?" Pag tawag sa akin ng nag aasikaso ng interview. Tumayo na ako at lumapit.

"Please don't make her mad and Miss CEO ang proper way ng pagtawag sa kanya ha? Good luck." Bulong sa akin ng babae bago ako pumasok sa office. Make her mad? Anong ibig niyang sabihin?

She Fell First (GirlxGirl)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin