Chapter 50: The truth

15.2K 288 26
                                    

*SPG*













Claire

Agad na dinala nina Sophie at Eunice si Steph sa ospital. Naiwan naman kami nina Elise at Chloe.

"What happened to her, love?" Kinakabahan kong tanong.

"I don't know.." Si Elise.

"At anong ginagawa niya dito? Ang sabi ni Eunice, nasa New York din siya kasama si Matt, nagkita ba kayo doon?" Tanong ni Chloe kay Elise.

"Yeah, nagkita kami nila Matt, pero saglit lang. Ah love, kumain ka na ba? Nagugutom na kasi ako." Sagot naman ni Elise.

"Ah oo, hindi pa nga kami kumakain, tara bes sabay kana samin?" Pang-aalok ko naman kay Chloe.

"No thanks. Susunod na lang ako sa ospital. May kakaiba kasi akong nararamdaman." Ngumisi naman si Chloe ng tipid.

"Ano naman yun Chloe?" Si Elise.

"Nevermind. Dito muna ako ha? Bye." Sabay beso naman sa akin ni Chloe at kumaway naman siya kay Elise bago tuluyang makaalis.

"San mo gustong kumain?" Pag baling naman ng tingin sa akin ni Elise.

"Dito na lang love, hindi ko feel kumain sa labas ngayon.." I replied.

Umorder si Elise at nag pa delivers ng favorite namin na mga pagkain sa malapit na Korean restaurant at dito na kami kumain sa unit.

"Kamusta na kaya yung lagay ni Steph?" Naisip ko naman bigla. Hindi nga kami ganun ka-close pero nag aalala parin ako. Kahit alam kong gustong-gusto niya si Elise, wala naman akong hatred kasi alam ko naman na kahit anong gawin niya, ako lang ang mahal ni Elise. If anything, I feel bad for her.

"Hindi ko alam love." Tipid na sagot naman ni Elise.

"Wala bang text or tawag man lang galing kay Eunice? Or kay Sophie?" Tanong ko ulit.

"Wala." Tipid parin na sagot niya habang kumakain.

"Hindi ka man lang nag aalala? Kababata mo si Steph at saka may pinag samahan naman kayo kahit papaano." Pangungulit ko naman. Hindi sumagot si Elise kaya inagaw ko yung isusubo sana niya na kimchi.

"Bakit ba kasi interesado ka sa babaeng yun?" Iritableng tanong ni Elise sa akin.

"Gusto ko lang malaman, kanina ka pa kasi tahimik diyan, akala mo ba hindi ko napapansin?" I raised an eyebrow.

"Excuse me, nawalan na ako ng gana." Tumayo na ako at nag banyo na muna. Baka mag away lang kami kung ipipilit ko pa.

Nag half bath na lang ako, maalis man lang kahit papaano yung inis ko.

Paglabas ko ng banyo, nagulat ako kasi naka upo si Elise sa sofa at para bang nang aakit sa suot niyang damit. Iniwas ko naman yung tingin ko.

"Love." Naglakad naman siya palapit sa akin. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Paano ba naman kasi, sobrang sexy ng suot niyang damit. Tumalikod na lang ako para hindi niya mahalata.

"Wag ka ng magtampo please?" Nag back hug naman siya. Ayan na naman ang init ng hininga niya sa leeg ko. Bigla naman niyang kinagat ng bahagya yung earlobe ko. Sh*t! Who can stand a seduction from this gorgeous woman?

"Ugh! Elise.." Ipinihit ko naman ang ulo ko palayo.

"Come on love. Sorry na po." Sinusundan naman niya ako kung saan ako magpunta hanggang sa na corner niya ako sa gilid ng kama at niyakap.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now