Chapter 35: Rot in Hell

16K 253 15
                                    


Chloe

We rushed Claire and Eunice to the nearest hospital na malapit sa accident area. Tinawagan ko agad yung Tito ko para ipaalam ang nangyari at hindi muna ako makakapasok sa clinic.

I was holding Eunice's hand habang inaasikaso siya ng mga first responders. Claire is on the other ambulance. Hindi pa rin tumitigil ang luha ko. Parang ngayon pa lang nag sisink-in sa utak ko ang mga nangyari.

"Paki bilisan niyo po!" I cried out at the driver.

*Emergency Room*

"Ma'am hanggang dito na lang po kayo, pasensya na." Pag pigil sa akin ng isang nurse sa pintuan. Naupo naman ako sa isa sa mga upuan sa gilid ng ER. Bakit kailangan pang mangyari pa ito? I can't afford to lose two important people in my life at the same time.

Hindi ko napansin na may umupo pala sa tabi ko at nag abot ng panyo. Dahan-dahan akong tumingin sa isang magandang babae na naka white top and ripped jeans. Namumugto ang mga mata niya na parang kagagaling lang din niya sa pag iyak.

"It's okay. Everything's going to be fine." She smiled at me. Kinuha ko naman ang panyo dahil mukha naman itong mabait.

"T-Thank you." Pabulong na sabi ko dito at nagpunas na ng luha.

"They are tough Chloe. They can make it, especially her, Eunice." She sighed na iniwas ang tingin sa akin.

"Do I know you?" I asked out of curiosity. Sino naman kaya itong taong 'to? Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"I didn't know we would meet in this way. Well, let's hope for the best. I'll see you around." Tumayo naman ito at naglakad na palayo.

"T-teka? Anong pangalan mo?" Pahabol ko na tanong dito. Hindi naman na ito lumingon at nagpatuloy sa paglalakad.

Napansin ko naman na may naka burda sa panyo na binigay sa akin ng babae. It was the same as Eunice's tattoo, what does this mean? Is it what I think it is?

What is her relationship with Eunice?

Dumating na rin maya-maya si Elise at nagmamadaling lumapit sa akin.

"Kamusta na ang lagay nila?" Bungad niya sa akin.

"Nasa loob parin sila ng E.R." Matamlay na sagot ko sa kanya.

Can she blame me? Sobrang sama parin ng loob ko, nang dahil sa kanya kaya nangyari ang lahat ng ito. Dahil sa kanya kaya nag hihirap ngayon si Claire at Eunice.

"Chloe.." Pag tawag niya ng pansin ko. Despite my teary eyes, lumingon parin ako na walang expression sa mukha.

"Chloe alam kong kasalanan ko ang lahat pero believe me, hindi ko naman ginusto ang lahat ng ito. Sana mapatawad mo rin ako. Kung pwede lang na ako nalang ang naghihirap sa loob at hindi sila." Umiiyak na sabi niya sa akin.

"Stop it Elise, you shouldn't be asking for my forgiveness, say that to Claire when she--." Bigla akong natigilan.

"S-Survive, she will survive, I know." Muli na namang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

"Hindi na natin maibabalik pa ang nangyari Elise. Ipagdasal na lang natin na maging maayos ang operasyon nilang dalawa." I said in a shaky voice.

The fact that there is nothing else that we can do, there's nothing else that I can do to help them both, but only cry here helplessly.

Three hours have passed. Maya-maya lumabas na ang doktor sa E.R.

"Dok! Dok! Kamusta po? Ano pong lagay ng mga pasyente?" Si Elise.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now