Chapter 38: New beginning

15.5K 247 7
                                    


Third Person's POV

Mag dadalawang taon na din ang nakakalipas matapos ang aksidente.

Hindi naging madali ang lahat para sa pamilya, mga kaibigan at lalong lalo na kay Elise ang pagtanggap sa nangyari. Ganun pa man, nagpatuloy ang buhay para sa lahat.

Tinapos ni Chloe ang pag aapprentice sa clinic ng Tito Alex niya at pumasok ng internship sa isang sikat na hospital. Habang patuloy parin ang pagdalaw at pag aasikaso niya kay Eunice na hanggang ngayon ay hindi parin nagigising.

Bumalik naman ang Mom and Dad ni Claire sa States upang mag pa consult sa isang specialist sa psychology ang Mom ni Claire dahil sa palagi raw niyang nakikita si Claire at palaging napapanaginipan.

Si Elise naman ay bumalik sa dati niyang bisyo ng pag iinom ng alak, gala dito, gala doon. She doesn't even care kung anong magiging tingin ng mga tao sa kanya.

Even wearing ripped jeans and a black t-shirt, and using eyeliner na makapal ang pagkakalagay na hindi naman niya fashion style.

Kung hindi mo nga siya kilala ay hindi mo maiisip na siya ang nag iisang Valerie Elise Knight ng KRC. Ang posisyon ng pagiging CEO ay tila ba kinalimutan na niya. May minsan ngang nahirapan ang lahat sa pag hahanap sa kanya.

Katulad ng palaging ginagawa ni Simon, wala na siyang ibang maisip na paraan kundi ang humingi ng tulong kay Chloe dahil kailangan na niyang bumalik sa company sa lalong madaling panahon.

Elise

*Sa isang bar ng resort ni Elise sa Makati*

I was sitting here at the open counter of a bar. Drinking tequila like I always do. Maraming tao ngayon sa bar dahil bakasyon at mag pa pasko. May mga nagsasayawan at may mga fireworks.

I looked at the bar's wall clock. I wished 7:23 PM did not exist. Because it's my Claire's time of death.

"Hi miss!" Sabi ng isang lalaki na lumapit sa akin. Nilingon ko naman ito para tignan ang mukha. Isang matandang matangkad, kayumanggi, malaki ang tiyan. I already know what he wants from me.

Nakaka isang bottle of tequila pa lang naman ako kaya hindi pa ako masyadong tinatamaan. Okay, he's being a creep. He's winking at me like crazy.

Pagkatapos ko siyang tignan mula ulo hanggang paa ay iniwas ko na ang tingin ko at uminom ulit ng tequila.

"Pwede ba makipagkaibigan miss?" Sabi niya na lalong lumapit sa akin at inilapit pa ang mukha niya sa gilid ng mukha ko. I raised my middle finger right next to his face.

"Miss, ang suplada mo naman!" Sabi ng lalaki sabay hawak ng mahigpit sa braso ko.

"Hey gramps, would you like to be friends with me instead?" Rinig kong boses ng isang babae sa likuran ko. Pamilyar ang boses niya, parang narinig ko na dati.

"Ha? Sige ba.. Pagka sinu-swerte ka nga naman." Ngumingisi-ngisi namang sabi nito na binitawan ang braso ko at akmang lalapitan ang babae sa likuran ko.

"Oops! Sorry, natapon." Mukhang natapunan ng iniinom nito ang lalaki.

Curiosity got ahead of me at lumingon ako para tignan kung sino yung babae. It was her! The woman who helped me at the hospital.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now