Chapter 51: The Wedding

15.2K 236 74
                                    


Claire

Ang sakit, sobrang sakit.

Hindi ko alam kung anong tamang words ang makakapag-larawan sa nararamdaman ko ngayon.

Sa loob ng limang buwan, nasanay na rin siguro ako sa setup na meron kami. Minsan nasa akin siya, minsan kay Steph.


"Love.. Answer your phone." I sighed.

"Hmm.. Hayaan mo muna yan, katutulog lang natin diba?" Si Elise na lalo pang hinigpitan ang pagkaka yakap sa akin.

"Baka si Steph yung tumatawag love, sagutin mo na." Pag pupumilit ko naman.

"Anak ng-- Alas tres palang ng madaling araw.. Hello?" Kinuha din naman niya at sinagot ang tawag.

"Come on, we were just together last night, right? Let me rest too.. Fine! Fine! You're really going to cry over this?" She grunts after hanging up the phone. Bumangon naman si Elise at isinuot na ang mga damit niya pagkatapos ay yumakap ulit sa akin.

"Go on, hinihintay ka na niya sa kabila." I sadly let out. Nasa kabilang unit lang si Steph. Doon na siya pinatuloy ni Elise hanggang sa manganak siya.

"I'll be right back, I love you." Humalik naman siya sa noo ko bago tuluyang naglakad palabas ng unit namin.

I hugged my pillow habang sinusundan siya ng tingin palabas. Ang hirap ng ganito. Hindi ba pwedeng kung ano ang sayo, sayo lang? May mga blessings naman na hindi kailangan i-share diba?

Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak ng umiyak ng palihim. In front of everyone's eyes, I have to pretend that I'm strong, that I can handle this situation, and that to keep Elise by my side, I have to endure the pain.

Sa kakaisip, nakatulog din naman agad ako at tulad ng inaasahan ko, nagising akong wala parin sa tabi ko si Elise. Nag asikaso na lang ako at pumasok na sa office ng mag-isa.

"Good morning ma'am ganda.." Pagbati sa akin ng isang employee ng department na hawak ko na classmate ko din noon sa college.

"Good morning." Matamlay na pagbati ko din.

"Oh, bakit ganyan ang pretty face mo ma'am? May problema po ba?" Tanong naman ng isa pa.

"Ah wala naman, wag niyo na lang akong pansinin." Ngumiti naman ako ng pilit. Bigla naman kaming naka rinig ng umiiyak na patakbong umupo sa table niya.

"Uy Jenny bakit?" Sabi ng isa sa mga lumapit dito. Halos lahat ng nasa department ay lumapit na rin pati ako bilang head.

"Anong problema?" Tanong ko naman ng makalapit dito.

"Ma'am ganda ano po bang dapat kong gawin?" Humahagulgol parin na tanong niya sa akin.

"Saan? Ano bang nangyari?" Tanong ko ulit.

"Yung tatay po ng magiging anak ko, may tunay palang pamilya. Ano bang dapat kong gawin ma'am? Ayoko naman na lumaki sa broken family ang anak ko." Natigilan naman ako sa mga sinabi niya. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko kaya yumakap na lang ako ng bahagya sa kanya bilang sympathy.

Buntis si Jenny at kabuwanan na niya. Bigla ko naman naalala si Stephanie at ang sitwasyon niya. Naawa ako bigla sa bata. Pakiramdam ko ang sama kong tao dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit hindi lalaki ang anak ni Elise na buo ang pamilya. I know my promise to Elise, na hinding hindi ko siya iiwan, hindi ko nakakalimutan.

She Fell First (GirlxGirl)Kde žijí příběhy. Začni objevovat