Chapter 9: Crazy

27.1K 410 17
                                    

Elise

"It's just a fake relationship!"

"It's just a fake relationship!"

"It's just a fake relationship!"

It's echoing in my head like crazy. Habang nakaupo at tulala ako sa kama. Bakit nila ginawa yun? Bakit kinailangan pa nilang magpanggap? To hurt me?

Hindi ko na namalayan ang pag lapit sa akin ni Claire. Nilalapatan niya ng yelo ang namumulang pisngi ko. Hindi ko din halos maramdaman ang sakit. I'm feeling numb. I don't understand this. Bakit parang hindi ako masaya sa nalaman ko? Why the hell am I crying for?

"Elise, I'm here." Si Claire. Alam kong hindi pa kami nakakapag usap tungkol sa nangyari sa amin and here I am. A fvcking mess.

"Elise?"

I know that I probably shouldn't do this but I felt the need to hug her. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa likod ko.

"Sige iiyak mo lang. Tulad ng sabi ko sayo noon, nandito lang ako kung kailangan mo ng makakausap." Pagkasabi niya ay tuluyan na ngang bumuhos ang mga luha ko.

**

Nagising ako nang may mga kamay na tumapik sa akin. Si Claire.

"Bangon na, kumain na tayo, nagluto ako ng sinigang." She smiled at me. I really don't know what's happening to me. Walang kahit na sino ang nagtatangkang gumising sa akin when I am sleeping, kung meron man ay may kalalagyan ito but Claire? I can't get mad at her for some reason.

Favorite ko ang sinigang. Marunong din pala siyang magluto. Bumangon na ako nang maglakad na siya pababa ng hagdan. Tumingin ako sa alarm clock ko sa side table.

"11:30?" Gulat na sabi ko. Ganun na ba kahaba ang tulog ko? At bakit parang hindi yata nagmamadali si Claire?

Tinignan ko ang phone ko para icheck ang araw ngayon. Thursday palang naman. Bumangon na ako at bumaba.

"Wala ba tayong pasok ngayon?" I asked to Claire. She just smiled at me. What's happening to me? I suddenly felt a butterfly in my stomach. Bago sa akin ang pakiramdam na ito at kay Claire pa? Minsan ko ng narinig ito sa mga movies na napanuod ko, it's a sign that you are in-love but how come? I literally just confessed my feelings for Kate last night.

"Kain muna tayo." Sabi ni Claire habang nilalapag ang plato na may kanin sa lamesa.

"Then later we'll go out." Dugtong pa niya. What for?

"Tingin ko kasi hindi ka nanaman papasok kaya sasamahan na lang kita kung saan mo gustong pumunta." Pagkasabi ay kumain na kami.

"Saan mo nga ba gustong pumunta?" Sunod na tanong naman niya.

"K-kahit saan." I coldly replied.

"Alam ko na! Gusto mo bang pumunta ng Enchanted Kingdom?" Hindi maitagong excitement ni Claire.

"Sige." Mabilis na tugon ko naman. Ewan ko kung bakit pero ang gaan talaga ng loob ko kay Claire sa simula palang.

Kahit anong pilit ko na magsungit sa kanya o tarayan siya ay feeling ko niloloko ko lang ang sarili ko. Akalain mo nga at napag ku-kwentuhan ko na siya ng mga problema ko at higit sa lahat, it's probably nothing to her now pero may nangyari na sa amin. It's just 2 weeks simula ng makilala ko siya. This is crazy.

Habang nasa biyahe ay hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko. Magaan na masaya. Katabi ko si Claire na naka headset at kumakanta kanta pa. Maganda pala ang boses niya. Hindi niya siguro napapansin na palakas na ng palakas ang pagkanta niya. Kung ibang tao siguro ay napagalitan ko na ito.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now