Chapter 44: No Escape

15K 264 22
                                    


Chloe

Sa ospital, ikinwento ko kay Eunice ang lahat ng mga nangyari mula sa pagkakakita ko kay Claire sa office ni Elise at hanggang sa pagpapakita ko sa kanya ng mga picture album niya na nasa dorm house.

"Na-imagine ko agad yung naka kandong ka kay Elise." Pang aasar naman ni Eunice sa akin.

"Baby, hindi nakakatawa! Hindi naman yun yung highlight ng kwento ko, si Claire nga!" Pagmamaktol ko naman sa kanya.

"Hayaan mo na, wag ka ng malungkot, kahit hindi ko pa siya nakikita, malakas din ang kutob ko na si Claire talaga yun base sa mga kwento mo." Sabi naman ni Eunice na pinapagaan ang loob ko.

"Sigurado ako kasi kababata ko siya at higit sa lahat, best friend ko siya." Inihiga ko naman ang ulo ko sa bandang tiyan niya while she's lying flat.

"Are we interrupting something?" Sophie said na kararating lang at may kasama pa siyang tatlong babae. Teka! Sila yung nasa KRC building ah? OMG! Gretchen! makakapag pa-autograph na ako!

Napatayo naman agad ako sa bandang paahan ni Eunice. Kasi naman hindi ko akalain na makikita ko ulit yung idol ko.

"Siya nga pala, I believe you've already met Sophie, so meet Aeriel, Gretchen and Erica, they're my friends." Hindi ko na masyadong napansin ang mga sinasabi ni Eunice kasi naman natulala ako kay idol Gretchen.

"Nice to finally meet you, Ms. Chloe." Sabi ng isa sa kanila but my gaze is fixated on Gretchen.

"Something wrong with Gretch babe?" Si Eunice ulit. Parang na starstruck ako sa idol ko, simula kasi ng career niya as a model in New York ay sinubaybayan ko talaga siya hanggang sa pag re-retire niya.

"Hey Sophie, come here, what happened to your face?" Pagbaling naman ni Eunice kay Sophie at lumapit naman ito sa tabi ni Eunice.

"Let me see it clearly, who did this?" Napalingon naman akong bigla sa dalawa. Inilapit naman nito ang mukha niya kay Eunice.

"It's just a scratch." Sophie answered.

"Kahit na, I told all of you to take care of your body, especially your face." Pag aalalang sabi ulit ni Eunice habang hinaplos-haplos ang mukha ni Sophie. I have no idea why she's talking to her in that way but that's d*mn too close!

Touching another woman's face in front of your girlfriend? I stormed out of the room without saying a word.

"Stop her." Narinig kong utos ng isang boses sa mga guards ni Eunice na nakatayo sa pintuan.

Hinabol naman ako at hinawakan ng dalawang bodyguard sa magkabilang braso.

"What are you guys doing?" Narinig ko ulit na sabi ng boses, humarap naman ako para makita kung sino ito.

"Ang sabi ko lang naman ay stop her, not touch her." She glared at the bodyguards as if she were the boss. Mabilis naman akong binitawan ng mga bodyguards at bumalik sila sa pagkakatayo sa pintuan.

"Are you okay?" Gretchen asked.

"Uhm.." Yun lang ang nasabi ko. Nahiya kasi ako bigla sa kanya. My very idol is in front of me.

"Wag kang mag seselos pag ganun si bos-- aw!" Biglang siniko ni Aeriel si Erica.

"Si Eunice pala." Nakangiting pag uulit naman ni Erica.

"Selos? Sino? Ako?" I nervously chuckled.

Umupo naman ako sa isa sa mga upuan sa gilid at tinabihan naman nila akong tatlo.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now