Chapter 41: Spend a night

16.5K 372 52
                                    


Chloe

Bakit kaya kailangan ko pang itanong sa new secretary niya kung nasaan siya? She's acting very weird.

May halos dalawang oras pa naman bago ang shift ko kaya ayos lang na daanan ko siya.

Pagdating na pagdating ko, pumasok na agad ako ng KRC building.

"Ouch!" Gulat na sabi ng babaeng nakabangga ko.

"Ugh! Sorry, my fault!" I reacted almost immediately. OMG-It's a lucky day! She's Gretchen Kloss! The supermodel na super idol ko! She's the model of the clothing brand that I am always wearing.

"Oh Chlo--" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil biglang nagsalita ang isa sa tatlong babae na kasama niya.

"Cloak.. Ang ganda ng cloak mo miss. We got to go Gretch come on." The girl with a light blonde hair. Naglakad naman silang apat palabas ng KRC.

Napansin ko naman na parang tinatakpan ng isang babae yung mukha niya at nag mamadaling naglakad sa harap ko. Ang weird ng araw na'to.

Hindi na tuloy ako nagkaroon ng pagkakataon na makapagpa-autograph sa idol ko. Nagpatuloy na lang ako ng paglalakad.

"Good morning ma'am." Bati ng guard na nakasalubong ko sa elevator.

"Good morning." I casually replied.

"Uy Chloe ikaw na ba yan?" Sabi naman ng isang lalaking staff dito na naging classmate ni Claire way back in college. Naging close ko din sila dahil sa madalas kong kasama si Claire dati. I badly missed her.

"Hi, long time no see. Dito ka pala nag work sa company ni Elise ha?" I chuckled.

"Ou, alam mo naman, super crush ko talaga si boss dragon since college, at least kahit dito nakikita ko siya." Pabulong naman na biro nito.

"Ikaw talaga, sige mauna na'ko pinapatawag ako ng boss dragon mo." I smiled na itinuloy na ang paglalakad ko.

Bago makarating ng office nakita ko na agad ang table ng new secretary ni Elise. Lumapit na ako agad para magtanong.

"Good morning miss, kay Elise?" I was shocked at the very moment nang makita ko ang mukha ng new secretary ni Elise.

"Ah good morning din po ma'am, wait lang po itatawag ko lang po." Sagot naman niya sa akin.

"Miss CEO may naghahanap po sa-- " Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil lumapit na ako agad sa kanya at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit.

"Claire! I can't believe this! Paano nangyaring.. Are you really here? I really missed you bes!" Sabi ko naman dito sa hindi maipaliwanag na tuwa ko.

"Ma'am excuse me po! H-hindi n-na ako m-maka hinga!" Nauutal na sabi naman ni Claire. Bigla namang lumapit si Elise na kalalabas lang ng office niya.

"Hey Chloe, that's enough. She is Ms. Cruz, my new secretary." Pag awat naman niya sa akin.

"What?!" Gulat na sabi ko sabay kalas ng pagkaka yakap ko kay Claire. Ano daw? Ms. Cruz? Bigla naman niya akong hinila papasok ng office niya.

She Fell First (GirlxGirl)Onde histórias criam vida. Descubra agora