Chapter 5: Weak and Vulnerable

33.1K 574 71
                                    


"Classmate pala kita?" She said smiling.

"Tss. Kung alam ko edi sana sinabi ko na sayo." I whispered​ to myself.

"What?" Takang tanong naman niya.

"Wala. Sabi ko ang dami mo palang fans. So anong meron? Artista ka ba? Sikat na model or what?" Curious na tanong ko.

"Artista? Model? You might be refering to Eunice." Halos pabulong din na sagot nito.

"Who's Eunice?" I asked.

"Nevermind." She smiled at me and face the white board.

"Class quiet! Class.. To Ms. Knight, welcome to my class. By the way I'm Ms. Fajardo." Pagbati nito kay Elise na sinagot naman nito ng isang ngiti at thank you.

"Since kilala na ako ng lahat ay kayo naman ang magpakilala isa-isa sa harapan." Dagdag naman ni ma'am. I hate this part of first day of school. Who doesn't?

Nag simula ang pagpapakilala sa harapan. Dalawa lang ang seat sa huli. Kaya kami lang ni Elise ang magkatabi. Ako na ang susunod na magpapa kilala.

"Okay! Next?" Tawag ng pansin ni Ma'am Fajardo.

"Hello everyone my name is Claire Lindshey Salvacion, and you can call me Claire, I'm currently staying at the nearest dorm house but I'm from Royal Ville Subdivision in tagaytay. Thank you!" Mabilis na pagpapakilala ko dahil alam ko naman na hinihintay ng marami ang pagpapakilala ni Elise.

"Ako lang ba yung nakakapansin na maganda din siya?.."

"Oo nga, halos mag kasing level sila ni Elise. To the highest level.."

"Tama talaga ang choice ko na mag enroll sa school na 'to!"

"Dalawang Goddess classmate ko sh*t.."

"Class quiet! Thank you Claire. Your turn Ms. Knight." Excited na sabi ni Mam Fajardo.

Habang naglalakad si Elise papunta sa harap ay parang mga bulate na nilagyan ng asin ang iba, mapa babae o mapa lalaki. Mga kinikilig!

"Hi good afternoon. I think everyone knows who I am except sa katabi ko." She pointed at me na ikinatingin naman ng iba. Nahiya ako bigla.

"My name is Valerie Elise Knight. Everyone call me by my second name so I'm fine with that. I'm staying at dorm house together with Ms. Salvacion. And it also happen that I am from Royal Ville Subdivision too." At bumalik na ito sa upuan. Nag bubulong bulungan ang mga classmate namin, ang iba'y nakatingin pa sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang tinutukoy ng tarpaulin na nabasa ko kanina. Sino nga kaya siya? At pareho pa talaga kaming taga Royal Ville ha, never ko naman siyang na meet.

"Why did you do that?" I asked.

"Do what?" Pa inosenteng tanong naman niya.

"You know what I mean!"

**

Natapos na din ang isang araw ng pasok sa school.

"Time check: 21:30." Maaga lang kami ng 30 minutes. Malawak ang school at maraming studyante dahil nga sa ganda ng facilities dito. Palabas na sana ako ng gate nang makita ko si Elise. May kausap ito sa cellphone at mukhang nag aaway ata sila. Boyfriend niya siguro. Nagulat ako nang bigla niyang binato ang cellphone niya at tumama naman ito sa bermuda grass. Tumakbo agad ako at kinuha iyon bago pa man may maka kuhang iba. Tapos ay sinundan ko siya.

Nakita ko siyang lumabas ng gate. Teka saan siya dumaan? Sa kanan o sa kaliwa? Bahala na! At kumanan ako. There she is. Sumakay siya sa isang tinted white car. May kotse nga pala siya. Nilapitan ko ito at binuksan ang katabing seat. Bumukas naman. Pumasok ako sa loob at kita ko ang pagka bigla nito.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now