Chapter 15: Surprise

22.9K 396 42
                                    


Elise

Malapit na mag Friday and it's Claire's birthday. According to Claire's file, mahilig siya sa surprises and she likes going to amusement parks. Hmm. I remembered the time we visited the Enchanted Kingdom. She was very happy.

Nakalagay narin dito kung ano ang favorite snacks and drinks niya. Favorite music and whatsoever na kakailanganin ko.

"Alam ko na.. I have an idea." Malaking tulong talaga sa akin ang file na binigay ni Simon and I need him now kaya tinawagan ko siya.

"Simon I need your help." I said as he picked up my call.

**

I prepared everything I'll need para mamaya, it's already 12:01 am. D*mn I'm too excited.

I texted Claire because I wanted to be the first one to greet her.

Message sent.

I need beauty rest. Ayoko namang mag mukhang zombie sa harap ni Claire mamaya. Kaya nahiga na ako and tried my best to sleep.


Chloe

"Good morning birthday girl!" Bungad na bati ko sa kagigising lang na si Claire.

"Good morning. What time is it?" Tanong niya sa akin na nakapikit pa ang mata.

"It's already 10 am." I uttered.

"10 am? Bakit hindi mo ako ginising bes." Gulat na napabangon naman na sabi ni Claire.

"I tried Claire. Masyado kang napuyat kagabi or should I say, kaninang umaga?" I smirked at her na sumimangot naman siya.

"Kasi.. Ah basta, nevermind." Pagkasabi ay tumayo na ito at nag asikaso ng mga gamit niya. So cute.

"What is your plan for today?" I asked.

"Plan? I don't have one." She smiled at me. Urg! That woke up like this smile niya. Sobrang cute talaga.

"Bakit naman? It's your 17th birthday." I smiled at her.

Maya-maya ay bumaba na din kami. May isang supot ng plastik sa lamesa na may lamang pagkain. Malamang galing ito kay Elise. Tama nga ako dahil may sticky note sa tabi. Kumain na kami tapos ay naghanda sa pagpasok sa school.

"Tara na ihahatid na kita." I offered to Claire.

"Ihahatid? Hindi ka papasok?" Si Claire.

"Ha? Sinong nagsabing hindi?" I immediately replied.

"Kasi hindi ka din naka uniform." Si Claire ulit. Ay oo nga pala! Sh*t. Isip Chloe isip.

"Ah madumi kasi lahat ng uniform ko, nalimutan ko magpa laundry." Myghad Chloe what a lame excuse.

"Ha? kalalaba ko lang kagabi diba? Isinama ko nga yung sayo." Si Claire ulit. Ugh! Oo nga pala.

"I just don't want to wear a uniform that's all. C'mon baka ma late ka pa." Pagkasabi ay tumalikod na ako. Baka lalong maghinala sa akin si Claire. Tapos ay naglakad na ako.

She Fell First (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon