Chapter 19: Failed Plan

20.7K 361 16
                                    


Claire

Ako magseselos? Hindi ba pwedeng naiinis lang ako kasi ang clingy ni Steph sa kanya? I mean sabi niya gagawin niya ang lahat para magustuhan ko siya. Ugh!

To think na sumama ako sa kanya sa helicopter not knowing na pupunta pala kami ng HongKong, tapos nag super effort pala yung bestfriend ko para isurprise ako. Ang saya namin doon tapos nakakasakit na pala ako dito. How did I know? Yes, you guessed it right, Eunice told me.

"Claire? Are you alright?" Si Eunice na nakaupo sa kama.

"Yeah I'm fine." I replied habang inaayos yung mga gamit na binili namin ni Elise sa HongKong.

"Bakit parang umuusok yung ilong mo sa galit?" Tanong naman nito sa akin.

"Ah don't tell me tama ang twin sister ko." She snickered at me.

"What? No way!" I exclaimed.

"Claire is jealous.. Claire is jealous.." Pakanta kantang pang aasar pa nito.

"Cut it off Eunice, ituloy mo na lang yung kwento mo." Me trying to change the topic.

"So ayun nga, nagising na lang kaming parehong walang suot na mga damit." Si Eunice.

"What?! May nangyari sa inyo?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"Wag ka naman masiyadong maingay." She replied na tinatakpan pa yung bibig ko.

"So may nangyari nga sa inyo?" I whispered.


**

Ilang araw din ang lumipas. Ang bilis ng panahon at dalawang araw na lang Christmas na. Since Christmas break, umuwi muna si Chloe sa kanila at dahil wala si Chloe dito, paminsan minsan lang dumalaw si Eunice. Nag paiwan naman ako dito sa dorm dahil na rin sa request ni Elise.

Hindi naman kami nawalan ng communication ni Eunice. Nagtetext or nag cha-chat siya sakin tungkol sa progress ng panliligaw niya kay Chloe. Yung dating secret admirer lang, siya na ngayon ang mismong nag aabot ng flowers kay Chloe at close narin sila ng family nito. Maybe except for tita Irene (Chloe's mother) who doesn't support the idea of same-sex relationships.

Si Kate, madalas nangangamusta. Ayon sa kanya masaya ang love life niya ngayon, sila na raw ni Patrick, yung classmate ko mula elementary hanggang high school. Naka plano na rin daw ang pag tira nila sa ibang bansa.

Hindi naman napapagod si Matthew at Steph sa pangungulit sa amin ni Elise. Minsan pa ngang nagbiro si Elise na titigil lang daw siguro ang dalawa kapag kasal na kami. Ano nga bang progress sa aming dalawa? We don't even have a label.


Elise

Nararamdaman kong gusto niya na rin ako. Hindi niya lang maamin sa sarili niya. Papayag ba siya na mag stay kasama ko dito sa dorm ng walang dahilan?

Hindi matatapos ang taong ito na hindi inaamin ni Claire na gusto niya rin ako. Sisiguraduhin ko yan. Alam ko na!

"Claire." Pagtawag ko ng pansin nito. Nakahiga ito sa sofa bed habang nag si-cellphone.

She Fell First (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon