Chapter 34: Until the end

10.6K 169 11
                                    

Claire

Sobrang sakit. Paano niya nagawa sa akin ang lahat ng ito? Binigay ko ang lahat-lahat ng pang unawa, pasensya at pagmamahal ko sa kanya pero nagawa parin niya akong lokohin?

"Claire, wait lang." Narinig kong pagtawag naman ni Eunice sa akin habang tumatakbo. Sumakay ako agad ng kotse ko na patuloy parin ang pag agos ng luha sa mga mata ko.

"Claire!" Bago pa makapasok ng kotse ko si Eunice ay pinaandar ko na ang sasakyan. My sight is blurry so I didn't know how she still managed to get in.

"Claire? Ano bang problema? Pag usapan natin to?" Si Eunice parin na sinusuot ang seatbelt niya.

"Niloko niya ako Eunice! Niloko ako ng kapatid mo!" I cried out loud.

"Claire, driving and dealing with your outbursts and emotions is not a good combination, pull over first!" Eunice is trying to persuade me.

"You're driving dangerously too fast Claire!" Nag aalalang sabi naman ulit niya.

"Mahal na mahal ko siya, alam niyo naman yun diba? Pero bakit? Bakit niya ako nagawang lokohin? Bakit niya ako nagawang saktan? Alam kong may pagkukulang din ako, pero sapat na ba yun na dahilan para lokohin niya ako?" Tanong ko na hindi padin tumitigil ang pag iyak ko. Pinigtas ko ang kwintas na binigay niya sa akin noon at hinawakan ng mahigpit na mahigpit sa sobrang galit. I am ready to throw it out.

"Nandito pa kaming mga kaibigan mo Claire, makikinig kami sa lahat ng sama ng loob mo, pag usapan muna natin ito." She is gripping at the door handle.

"Ginawa ko ang lahat-lahat para sa relasyon namin. Ni minsan hindi ko siya niloko. Sabi niya mahal niya ako, pero nasaan ang pagmamahal na sinasabi niya? Nasaan?" I cried out loud.

"Mahal na mahal ka ni Elise at sigurado ako doon. Kung ano man ang ginawa niya, alam kong hindi dapat itolerate yun.. Pero Claire, isipin mo din sana na ikaw lang ang nakapag pabago sa kanya noon. Dahil sayo naging maayos ang buhay ni Elise, she even stopped all her vices." Pangungumbinsi sa akin ni Eunice. Hindi ko na alam ang sasabihin ko, gulong-gulo na ako.

"Show them who's Claire Lindshey Valdez Salvacion. Don't give up yet please, me and Chloe will help, I promise. Ipakita mo kung gaano mo kamahal si Elise. If not for Elise, then for yourself." Eunice might be right, but it won't erase the fact that she cheated on me, she hurt me.

"So please? Ihinto mo na muna ang kotse sa tabi Claire." Mahinahong sabi niya sa akin. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Claire? You listen to me. Pull over now!" Eunice shouted, ang dami na kasing mga naglalakihang truck ang nakakasalubong namin.

"I'm trying but I can't!" I exclaimed.

"What? Why?" She confusingly asked. I glanced at her.

"Ayaw gumana ng break!" I panicked, masyadong mabilis ang takbo ng kotse.

"Ha? Paanong ayaw?" Tanong niya ulit.

"I don't know!" Sabi ko na sinusubukan paring apakan ang break.

"Claire babangga tayo!" Pagkasabi ay iniwasan ko ang isang malaking truck ng poultry. Sh*t! I don't know if we can make it!

Naiwasan ko nga ang malaking truck ng poultry pero may kasunod pa na mga truck sa likod nito at may isang ten-wheeler na nag overtake. There is no way out! Napapagitnaan kami ng matataas na lupa at nasa makipot na daan kami.

"What are you doing?" I asked nang tanggalin niya ang seatbelt niya.

"I'm going to protect you no matter what!" Seryosong sabi niya na kinabig ang steering wheel pakaliwa, nagpapaikot ikot lang ang kotse.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now