Chapter 52: Stop

16.3K 308 181
                                    


Claire

Paglabas na paglabas ko ng venue ng dinner, napaupo na lang ako sa gilid ng pintuan dahil tumulo na ng tuluyan ang mga luha na punong-puno ng emosyon na kanina ko pa pinipigilan. Ang hirap, ang sakit-sakit!

Gusto kong bumalik sa loob, halikan at yakapin si Elise ng mahigpit na mahigpit at iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Ayokong iwan siya, sinira ko ang pangako ko na hinding-hindi ko siya iiwan dahil alam kong ito ang tama.

Matagal ko ring pinag-isipan sa buong araw ang desisyon kong ito bago ako bumiyahe at naglalakad ngayon sa malaking hallway of Knight's mansion.

"Ma'am Claire? Kayo po pala.." Excited na sinalubong naman ako ng ilan sa mga maids ng mansyon.

"Kamusta po?" Pagbati ko rin.

"Bakit ngayon lang po kayo dumalaw dito? Na-miss ka po namin ma'am." Sabi naman ng isa pa.

"Ako din po, na-miss ko din po kayong lahat." I chuckled.

"Ay nasa silid tanggapan na po ang Don at Donya, ma'am Claire, kanina pa po kayo inaantay."

"Ah ganun po ba? Sige po aakyat na ako, salamat po ah." I replied.

*Don Sergio's Office*

"Good evening po Dad, Mom." Pag bati ko nang makapasok sa loob ng office.

"Oh iha, may problema ba? Napa sugod ka kasi ng ganitong oras ng gabi at ayaw mo pang ipaalam kahit kanino ang pag punta mo?" Bungad naman sa akin ni Mom Alexa, mother of Elise and Eunice.

"Siguro importante ang sasabihin mo iha? Tungkol ba kay Elise? May ginawa na naman ba siyang kalokohan?" Si Dad Sergio naman.

Unti-unti namang nawala ang ngiti sa mukha ko at naging seryoso.

"Sergio naman, hinuhusgahan mo kaagad ang anak mo." Pag saway naman ni Mom Alexa.

"Tungkol nga po kay Elise ang ipinunta ko." Panimula ko. Nagkatinginan naman sila.

"Sige iha, ano yun?" Dad Sergio.

"Magkaka-apo na po kayo." Pilit na ngiti ang pinakawalan ko.

"Oh? Buntis ka iha? Ilang months na? Napaka-gandang balita naman niyan." Excited na sabi ni Dad Sergio, without even asking how.

"We should celebrate this! And dapat maikasal na rin kayo ni Elise." Excited naman na sabi ni Mom Alexa.

"Hindi po ako, si Steph po." Nahihiyang sabi ko. Pakiramdam ko kasi.. I turned them down.

"What do you mean magkaka-apo kami kay Steph?" Mom Alexa.

"What's the meaning of that iha?" Dad Sergio.

Inexplain ko ng maigi ang lahat ng detalye, mula sa paglalasing ni Elise sa New York hanggang sa pagtatago ng pagbubuntis ni Steph. Pinipilit ko na hindi mag break down sa harapan nila. Kailangan kong panindigan ito.

"Claire, iha.. Alam mo kung anong ibig sabihin nito diba? Handa ka na ba sa mga mangyayari?" Naluluha din na sabi ni Mom Alexa.

"Eto po ang tama." Yun lang ang nasabi ko dahil kailangan kong pigilin ang mga luhang gustong pumatak sa mga mata ko. Naramdaman ko naman ang paglapit at ang pagyakap sa akin ni Mom Alexa.

"Iha.. Kung kami lang ni Sergio ang masusunod, ikaw sana ang gusto naming makasama ni Elise habang buhay. Pero ano ba ang plano mo? You're not telling this to us without a reason." Mom Alexa.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now