Chapter 27: Friendship or Love

12.6K 196 2
                                    

Chloe

Buo na ang pasya ko. Aaminin ko na kay Claire ang lahat at kakausapin ko siya ngayong break time. I can't hide it forever.

"Are you sure? I mean, pwedeng mawala ang friendship na meron kayo?" Si Eunice sa kabilang linya.

"I'm completely aware of that, pero kasi, hindi ko na kayang patagalin pa 'to. Habang tumatagal, lalo ko siyang nagugustuhan." Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan, alam kong si Elise ang gusto niya, pero susubukan ko pa rin.

"It's your choice. Basta nandito lang ako whatever happens."

Naglakad na ako papunta sa room ni Claire para sana sunduin siya and to tell her the truth about my feelings towards her nang makita ko si Elise na papunta rin doon. Hindi na naman pala siya pumasok.

I accidentally overheard one of her words sa kausap niya sa cellphone.

"Nabili mo na ba yung singsing? Secured na ba yung place?" Si Elise habang naglalakad na hindi naman niya ako napansin dahil busy sa kausap. Balak niya bang mag propose? Bakit may singsing?

Dahil sa narinig ko, nagbago na ang isip ko na sunduin si Claire. Kaya tinext ko na lang siya. Bahala na, it's now or never. I need to tell her before Elise proposes to her.

Claire

Biglang nag vibrate ang phone ko. Sh*t! Panaginip lang pala ang lahat. Nandun na sa part na na magsasalita na ako.

"D*mn it!" Napalakas ng konti na sabi ko.

"Everything's fine Ms. Salvacion?" Tanong ng professor namin ng oras na iyon. Myghad! Nakatingin tuloy lahat ng classmate ko.

"Ah yes sir, nainis lang po ako sa character ng kontra bida." I nervously chuckled. Nagku-kuwento kasi siya tungkol sa mga epiko. Nakaka bored kasi kaya naka tulog ako. Sino nga ba yung nagtext?

1 message received.
Bes Chloe

"Claire, may sasabihin pala akong importante mamayang break time mo." Nag reply naman ako agad.

"Bakit hindi mo na sabihin ngayon? Ano ba yun?" I replied.

"Basta Claire, kita tayo sa may auditorium." Ano naman kaya yung sasabihin niya?

Paglabas ko ng room, sinalubong naman ako ng nakangiting si Elise. Naalala ko tuloy bigla yung panaginip ko. Urgh! Kailan kaya magkaka totoo yun?

"Claire, may pupuntahan ka ba?" Si Elise.

"Ah si Chloe, may sasabihin daw siya sakin, magkita daw kami sa auditorium." I replied. Natigilan naman si Elise bigla. Anong meron? Para siyang nakakita ng multo.

"Sige, aayain sana kita lumabas mamaya. Pero sige hihintayin na lang kita doon. Sa bench sa park, dun sa malapit sa EK. 7 PM, maaga naman ang uwian mamaya. Sige mauna na ako." Ngumiti lang siya ng bahagya tapos ay umalis na. She's acting weird.

Nakarating na ako sa auditorium. Sa unahan pa nakaupo si Chloe at dahil malaki ang auditorium, mahaba habang lakaran.

"Bes." Pagbati ko nang malapitan ko siya.

"Ano nga ba yung sasabihin mo at kailangan face to face tayo? At bakit dito pa? Mukhang secret pag uusapan natin ah." Umupo naman ako sa tabi niya.

"Claire, ano kasi--" Hindi naman niya matuloy-tuloy na sasabihin.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now