Chapter 22: Mysterious

20.5K 355 6
                                    


Dahil nakainom si Elise, mahimbing siyang natutulog ngayon sa braso ko na nakayakap sa akin. Nandito kami sa kwarto niya. After we passionately kissed, lalo kong napatunayan na mahal ko talaga si Elise.

Natakot ako kanina, akala ko huli na ang lahat. Ganito pala ang pakiramdam pag mahal mo na ang isang tao. Love knows no gender.

I was about to sleep ng biglang magsalita si Elise.

"Claire?" She uttered.

"Hmmm?" I replied.

"Tayo na ba?" Napangiti naman ako sa tanong niya.

"Not yet." I smirked.

"What?" Napabangon naman siya bigla.

"Mahal mo naman ako diba? Kakasabi mo lang kanina, wala ng bawian!" She exclaimed.

"Yes.." Sagot ko naman.

"And?" Tanong niya ulit.

"80%" I replied.

"What's​ 80%?"

"There is a 20% remaining Ms. Knight bago kita sagutin." I smiled at her.

"Nagawa ko nga yung 80% in just 5 months, 20% pa kaya?" Ngumiti naman ito ng nakakaloko sa akin. What a confidence!

I want to make sure that this is not an impulse of emotion but rather a true love between two people.

**

Umuwi muna ako sa bahay namin at si Elise naman sa mansyon nila for New Year's eve. At tulad ng inaasahan, kinamusta agad ni Mom, Dad and Grandmas ang tungkol sa amin ni Elise.

As usual, naghanda na kami para mamaya. After mamili ni Mom ng panghanda, tumulong ako sa pagluluto. Nang maihanda naman na ang lahat at naghihintay na sa countdown, nagpa kwento muna ako kay grandma Den tungkol sa story nila ni grandma Aly. Sobrang dami kasi ng version ng story tungkol sa kanila.

After ng kwentuhan with grandma Den, pumunta muna ako sa kusina para kumain ng spaghetti. One of my favorites. Sunod sunod naman na nag vibrate ang phone ko.

14 messages were received.
My Elise 💞

I
L
O
V
E
Y
O
U
C
L
A
I
R
E

She never failed na pangitiin ako. I texted her back.

"Well done Ms. Knight! ;)"
Message sent!

At nagreply naman agad si Elise.

"Wala man lang bang Ilyt?"

"Ilyt!" I replied.

"Not that one :("

"I love you too Elise :)" I replied again.

"Yey! Thanks Claire. Happy new year :) Mag iinom lang kami ng family, ayos lang ba?" Pag papaalam ni Elise. Wow! Tinanong niya pa ako.

"Just don't get too drunk okay?" I replied.

"Roger that ;)" She replied.

"Ano't nakangiti ka diyan Claire?" Si Chloe.

"Ay palaka!" I exclaimed.

"Magandang palaka!" Sabay flicker ni Chloe sa buhok niya.

"Bakit ka kasi biglang sumusulpot?" Natatawang sagot ko naman dito.

"Hala nakalimutan mo na ako agad bes? Pinagpalit mo na ba ako bes?" Akting aktingan naman ni Chloe na may pa walling walling pa.

"Cut it off. Baka gutom lang yan, tara kain." I chuckled.

She Fell First (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon