I.

46K 942 113
                                    

A


"Welcome to the most prestigious university in the country, Bridgett University, where all the aspiring teens and sons and daughters of the most known business tycoons choose to get in!" Ayun ang narinig ko na recording na paulit- ulit binubuga ng speaker na nagkalat sa kalsadang dinaraanan ko papasok ng campus.

Badtrip, nakakarindi. Nakakabwisit.

Bakit ba kasi ito ang napili nila na pag-aralan ko?

Habang naglalakad ay hindi ko magawang hindi pansinin ang nagkalat na mga estudyante sa paligid: may mga nagsisitawanan, nag- aasaran at may mga iba naman na tutok na tutok sa pagbabasa at pakikinig sa earphones nila. Hindi ko rin magawang hindi pansinin ang mga puno sa buong paligid, pinikit ko dahan- dahan ang aking mga mata at tila nawala sa kagandahan ng paligid; bigla'y tila nagtahimik ang buong paligid sa aking isipan na tila ba'y ako na lamang mag- isa.


"Welcome to the most prestigious university in the country, Bridgett University, where all the aspiring teens and sons and daughters of the most known business tycoons choose to get in!"

"Welcome to the most prestigious university in the country, Bridgett University, where all the aspiring teens and sons and daughters of the most known business tycoons choose to get in!"

"Welcome to the most prestigious university in the country, Bridgett University, where all the aspiring teens and sons and daughters of the most known business tycoons choose to get in!"


Muntik na akong mapatalon sa gulat nang mapansin kong halos katabi ko lang pala ang speaker. Napadilat ako bigla at napahawak sa aking dibdib. Pahamak ang pucha! Naisip ko na lang at sinimulan ng maglakad.

"Hey wait up!" Napatigil ako sa paglalakad nang may narinig akong nagsalita. Hindi muna ako lumingon dahil baka hindi naman ako ang tinatawag nito, ngunit luminga- linga ako sa paligid at nang mapansin kong wala naman akong kasabay na naglalakad ay nilingon ko na rin ito na nahabol na naman pala ako. Nasa harap ko siya. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Makinis, maputi ang balat akala mo'y wala man lang peklat at hindi nagkasugat sa tanang buhay niya at may itsura naman. "New face. Uhm, bago ka lang ba dito? Transferee, I mean."

Pucha ito na. Alam ko ang background ng university na 'to. Madalas daw nabubully ang mga bagong lipat o transferee, madalas napagti-tripan dahil bago. Aabutin ng ilang buwan, kung matapang ka at kaya mong magtiis ay aabot ka sa oras kung saan titigilan ka ng mga estudyante, ngunit kung hindi ay mapapagpasyahan mo na lang na umalis na lang talaga.

Umiling ako dahan- dahan. Sana hindi mabuko. "No." Simpleng sagot ko upang ipaalam sakanya na hindi ako interesado at hindi niya rin mapansing nagsisinungaling ako. Ayoko lang talaga makasalamuha ng mga tao kung maaari.

"Then why have I not seen your face?" Nagtatakang tanong ng babae at tila ineexamine pa ang buong mukha ko, bumababa pa nga ito, animo'y pinagmamasdan ako at may gustong alamin. Ano bang term nila doon? Checking out ba 'yun? Ganito ba talaga sila dito?

"I just got back from a long vacation. Personal." Tipid kong sagot muli.

Doon nama'y tila nagliwanag ang kanyang mukha at tila nakumbinse na siya ng sagot ko. Tumango- tango pa ito bago naglahad ng kamay.

"Veronica Kristen Sy." Kaya pala medyo singkit ito na ngayon ko lang napansin. Upang matapos na ang usapan na ito ay inabot ko ang kamay niya at agad naman na binawi ito. Natawa pa siya nang bahagya. "Veronica na lang o Vero para maikli."

Tumango ako at akmang maglalakad na upang umalis at iwan siya doon ngunit hinila niya ang braso ko upang mapaharap muli ako sakanya. "Teka, hindi ka ba marunong makipag-usap nang hihigit sa sampung salita ang sasabihin mo?"

K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now