II.

27K 845 196
                                    


A


Habang tinatahak ko ang daan patungo sa unang klase ko animo'y parang nasa motel ako. May mga kung sinu- sinong nagmamake- out sa lockers nila. 'Yung iba naman eh sa loob mismo ng c.r gumagawa ng kababalaghan. Pucha! Ano ba namang klaseng eskwelahan ito? Alam ba ng dean ito?

Nung minsa'y napatigil ako at napatingin sa isang nagmamake- out ay napatigil din sila.

"Fuck off." Sabi nung lalaki at hinatak niya 'yung kasama niyang babae na magulo na ang buhok at kalat- kalat na rin 'yung lipstick at nagtungo sila sa ibang lugar.

Grabe naman parang may paki ako sakanila ha!

Gusto ko rin sanang pumasok sa c.r dahil bukod sa ang yagit ko tignan ay naiihi ako. Late na naman ako, eh 'di magpaka- late na ako ng totoo.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang ng c.r ay may narinig na ako na tila umuungol sa loob ng isang cubicle. Pucha! Ano sa lahat ng lugar na lang talaga? Binuksan ko ang gripo. Sinadya kong lakasan para marinig nila. Naghuhugas ako ng kamay at napansin kong binuksan nila ang cubicle.

To my surprise, dalawang babae ang lumabas at tulad ng kaninang nasaksihan ko, parehas silang magulo ang buhok at kalat- kalat ang lipstick sa labi. Bukas na rin ang unang tatlong butones ng uniform nila.

Ano ba naman ito.

"You just disturbed our make- out session you bitch!" Aba't! Ako ba?! Ako ba ang tinawag na bitch ng babaeng 'to?! Kahit naiinis ako ay hindi ko sila pinansin at patuloy lang ako sa paghugas ng kamay. "You bitch did you even hear what I said? Are you a fucking idiot?"

Doon ay tumingin na ako with my forever straight face on. "Hindi ko alam."

"Gaga ka ba? Hindi mo alam eh rinig na rinig mo 'yung ungol namin ha!" Tumawa pa ng bahagya 'yung dalawang babae pero hindi ako natatawa. Hindi sila nakakatawa.

Nagpasya akong lumabas na lang at iwan sila dahil nakakahiya naman, naka-istorbo pa raw ako sa ginagawa nila.

Bigla'y hinatak ako nung isang babae sa braso. "Gago ka ha! I'm still talking to you bitch."

Gago ka rin! Mas gago ka! Gusto kong isigaw sa mukha ng babae na 'to. Pero pinigilan ko. Pinigilan ko ang sarili ko, dahil baka sila ang maging dahilan upang hindi tuluyang maging tahimik ang buhay ko rito.

Tumingin lang ako sakanila ang nag-peke ng ngiti. "Pasensya na, may klase pa kasi ako. Sige lang, ituloy niyo na ang ginagawa niyo."

Ngumisi 'yung isang babae. Ito ata 'yung lalaki sa relasyon nila. O 'yung isang babae eh 'yung mas babae lang. Ewan ko. Wala akong alam sa ganitong relasyon talaga.

Bigla'y aambahan ako ng sampal nung babaeng maton. Oo, maton na lang kahit hindi naman ganoon kalaki ang katawan niya. Pinigilan siya nung babaeng ka make- out niya at tumingin saakin.

"Let her go. Let's just continue and not waste time, honey."

'Yung babaeng maton naman animo'y suminghap ng hangin. "Pasalamat ka bitch! Mabait ang girlfriend ko. Now go, shoo! Don't ever let me see your face again."

I still stared at her in confusion. Ano raw? Posible ba 'yun eh iisa lang kami ng university na pinapasukan? "What are you still waiting?! Go!"

Lumabas na nga ako ng c.r at narinig ko pa siyang nagsalita ng "bitch!" bago ako tuluyang nakalayo. Ibang- iba rin ang first day ko sa eskwelahan na ito, ano! Kakaiba ang first day! Paano pa kaya kung alam nila na transferee ako?


K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now