XXIII.

17.8K 559 170
                                    


Sa nagcocomment na 'update po, update na' dahil masunurin ako. Ito na po ang update. Lol hahaha! ^__^ not edited. Enjoy reading! ~ur resideng hangin flies away~



A


Pag umuwi ako ngayon, siguradong magtatalak nanaman ang nanay ko saakin. Pero sanay na naman ako dahil ganoon naman talaga. Naging ganoon siya matapos ang pangyayari na iyon. Hindi ko siya masisisi. Hinding- hindi. Naiintindihan ko siya.

Kailangan ko munang magpalipas ng oras, maaga- aga pa at siguradong magtatanong pa iyon kung bakit umuwi ako kaagad. Nakakatawa man kung isipin ngunit ganoon talaga. Pero, oo nga pala, 'yung babaeng iyon. Madalas ko na siyang nakikita pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Pero pamilyar siya.

Hindi man sa pisikal na anyo, basta't nararamdaman kong pamilyar siya. Pamilyar ang babaeng iyon at hindi ko mapiga sa utak ko kung paano at saan kami nagkakilala.

Naglakad- lakad na lang ako. Mag- uubos na lang ako ng oras sa park malapit dito sa Bridgett. Kung saan ako minsan ay natutulog sa damuhan. Oo, tama matutulog na lang muna ako doon.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan ang luminga- linga sa paligid, kahit ba wala naman akong pake ay basta't napapatingin na lang ako. May biglang paparating na kotse habang may natawid na matandang babae sa kalsada.

Mabilis kong tinakbo ang pwesto nung matandang babae dahil siguradong mababangga siya ng kotse. Niyakap ko siya at siniguradong hindi siya ang babagsak sa mismong lupa, dire- diretso naman 'yung andar ng kotse at inaninag ko ang plate number ngunit hindi rin ako naging matagumpay doon.

Basta, itim na kotse ito.

Ibinaling ko ang atensyon ko sa matandang babae na tinulungan ko sa pagtayo. "Okay lang ho ba kayo?"

May lumapit din saamin na ibang tao at guard na hindi ko alam kung saan sumulpot at nanggaling. Naki- usisa ang mga ito.

"Okay lang ba kayo? Dalhin ba namin kayo sa ospital?" Tanong ng isang guard.

Umiling ako. "Okay lang ho ako." Tinigan ko ang matandang babae sa tabi ko. "Pero kung pwede ay pakidala ho si manang."

Inalalayan ng guard at isa pang lalaki 'yung matandang babae na muntik nang masagasaan kanina at buti'y nakita ko.

"Salamat ineng." Sambit ng matandang babae habang nakangiti saakin at kitang- kita ko na medyo hirap ito.

Sinuklian ko ang ngiting ipinukol nito saakin. "Wala hong anuman. Mag- iingat ho kayo."

Tumangu- tango ito at umalis na rin sila kasama ng mga naka- alalay sakanya.


I can't afford someone to die again.

Hangga't kaya ko ay tutulong ako sa tao.

Kung maaari lang na sa bawat buhay na maililigtas ko ay tataas ang porsyento ng reyalidad na babalik ka pa.

Gagawin ko. Gagawin ko ang lahat.


Naglakad na rin ako paalis at papunta sa may park na pagtutulugan ko lang naman. Ma maganda at masarap matulog sa open area. Masarap ang hangin, depende na lang talaga kung biglang bubuhos ang ulan.

Hindi pa man din ako nakakalibot ng husto ay may naaninag na agad ako na sigurado akong kilalang- kilala ko. The man in black.

Anong ginagawa niya rito?

K A T A R I N A (•GXG•)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt