52.

12.2K 446 65
                                    










A











"Gago ka!"














Paulit- ulit na sabi ni Katarina kahit nasa bahay na nila kami. Kasama sina Primrose, Genevieve, Veronica at si Red. Lahat ng naging kasabwat ko sa plinano ko sa muling pagkikita naming ni Katarina.


"Huwag mo kong kakausapin bwisit ka!" Sabi niya pa. "Ang tagal mong walang paramdam tapos pagtitripan mo pa akong ganoon! Gago ka talaga!"


Nakaupo lang kami lahat ng mga kasabwat ko. Si Veronica ay katabi ni Katarina. Wala ring kaalam- alam si Veronica. Kaya taking- taka siya sa lahat ng pangyayari.


Tiningnan ko si Katarina.

Nagpapaawa ng kaunti ang mga mata ko. "Baby, huwag ka nang magalit."


"K..." Magsasalita sana si Primrose pero natigilan siya.


Katarina interrupted her. "Shut your mouth Prim. I'm not talking to you."


Talagang galit ito.


Sana pala nagpanggap muna akong nabaril hanggang sa maging okay naman at doon ako nagpropose nang maayos sakanya.


Pero okay naman ang takbo ng plano sa isip ko talaga eh.








F L A S H B A C K





"Hello?"


"Hello Primose." Napasinghap 'yung tao sa kabilang linya. "Si Andrea 'to."


"I know. Alam na alam ko boses mo. Ikaw lang naman ang laging bumabanggit sa buo kong pangalan." She said. "Ang boses na matagal nang gusting marinig ng pinsan ko."


"May sasabihin sana ako." Sagot ko.


"Teka. Wait lang ha." Pagtitigil nito sa sinasabi ko. "Dapat galit ako sa'yo eh. Nasaan ka ba? Ang tagal mo nang pinapaasa 'yung pinsan ko ha!"


"Babalik na ako." Pagkaklaro ko. "Mahal ko ang pinsan mo. May mga inasikaso lang ako kaya napatagal ang pagbalik ko sakanya."


"At sa tingin mo ganyan kadali? Kung hindi ka rin-,"


I stopped her. "Alam ko lahat kayo galit saakin pero may importante akong rason kung bakit nagkaganito."








Naalala ko 'yung gabing iyon.








Ang gabi kung kelan na- kidnap si Katarina.








Nasa harapan ko na 'yung lalaki sa nakaraan ko.








Ang lalaki na nagkonekta sa mga buhay naming ni Katarina








At higit sa lahat...











Ang lalaking pumatay sa tatay ko.














"Pakielamera ka kasi."


Tinapatan niya ako ng baril. "Ngayon, makakasama mo na tatay mo. Hahaha."


Tumingin lang ako sakanya.


Nagagalit.

Gusto kong maging burado ang pagkabuhay niya sa mundong 'to.

Pinatay niya ang isa sa mga importanteng tao sa buhay ko.


K A T A R I N A (•GXG•)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon