XXXIII.

18.3K 607 98
                                        


K



"Kamusta ka na bata?"

Hindi ko nagawang masagot ang tanong niya na iyon.

Kamusta ako? Matapos ang ginawa nilang pagsira sa pagkabata ko? Kamusta ako? Kung sa araw- araw na natutulog ako ay ang mukha niya at ng kasama niya ang nakikita ko? Kamusta ako? Hindi ko alam. Hindi ko alam.

"Your old friend is asking you Katarina." How do they know each other? Does it mean that...? "Yes Katarina. My parents wanted to get you before so they could get your parents' attention out of the business. In case it is still not obvious to you, I know your past."

"Y...You are all animals." I managed to utter. "What did we ever do to you?"

Lumapit saakin si Angelika. "You know how business works." Pabulong niyang sabi at panggagaya niya sa kakasabi ko lamang. "Kung nakikita mo lang ang sarili mo ngayon, napakalayo sa Katarina na kinagisnan ng Bridgett."

"Pakawalan mo ako."

She shrugged off what I ordered. "How about we call your parents? Shall we?" Nakangiti lang din ang lalaking ito na nasa harap ko. Tumanda pang lalo ang itsura niya. Siya nga iyon. Tama nga ang mga mata ko noong nakita ko siya non. Ngumisi saakin at akmang hahawakan ang braso ko ngunit nagawa kong umiwas at lumayo.

"Gusto ko lang makipaglaro ulit. Bakit parang natatakot ka yata?" Pagkausap niya saakin nang lumayo na si Angelika at kinuha ang phone niya.

Si Mikael din ay nagawa na akong lapitan. Ang dalawang lalaki na kanina'y naka- akay pa saakin ay nasa magkabilang gilid ko na lamang at nagbabantay.

Tiningnan ako ni Mikael ngunit walang emosyon ang kanyang mukha. "Kung pepwede ho sana ay huwag niyong hawakan na lang si Katarina."

"Aba't sino ka bang lalaki ka ha!" He was about to punch Mikael when Angelika interfered. "Pagsabihan mo 'tong kaibigan mo at inuutos- utusan lang ako."

Nanatiling tahimik na lang si Mikael sa tabi at si Angelika naman ay may dini- dial sa kanyang phone.

I was about to stop her even if I couldn't pero napigilan agad ako ng dalawang lalaki sa tabi ko. "Please. Please not my parents Angelika. They're already worried now. Please, I'll do anything. Huwag mo lang idamay ang mga magulang ko."

"How about we ask your parents to go visit you here? Sounds nice doesn't it?"

"No no please. Not my parents. Huwag mo silang idamay Angelika."

Kunwari'y nag- isip si Angelika. "Pero parang unfair ata. Unfair na wala na 'yung mga magulang ko samantalang kayo, buong- buo pa ang pamilya niyo."

She was about to dial our telephone number pero natigil ang kung anong ginagawa niya nang nakarinig kami pare- parehas ng putok sa may bandang likod ng lugar na 'to. Bigla ang pagyuko at pagtakip ni Angelika sa tenga niya.


Hinarap ni Angelika ang dalawang lalaki na nasa magkabilang- gilid ko. "Tingnan niyo kung sino 'yon! Bilis!" Hinawakan niya ako ng marahas sa mukha. "It's impossible that you called the police. How did someone know about this place? Answer me!"

"H...Hin-ndi k...ko a-al...lam." Nahihirapan akong magsalita dahil hawak- hawan niya ang baba ko at mismong bibig ko. "B-bit...tawan mo a-ako. A...ara....y.."

K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now