46.

15.5K 512 69
                                    


A



"Ang tagal kitang hinanap...dahil gusto kita. Simula pa noon Andrea. Gusto na kita..."

"Ang tagal kitang hinanap...dahil gusto kita. Simula pa noon Andrea. Gusto na kita..."


Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya na iyon. Hindi ko kailanman naisip na magkakagusto siya saakin. Na gusto niya pala ako. Hindi ko inisip o naisip iyon dahil matalik na kaibigan ang turing ko sakanya. Para ko na siyang kapatid.

Napatingin ako kay Katarina. Titig na titig ito kay Katelyn. Seryoso ang mukha at tila tinitimbang ang kung anong magiging reaksyon sa sinabi niyang iyon.

Bahagya pa akong nagulat nang lingunin ako ni Katarina. Tiningnan niya ako at sabay ngumiti saakin, 'yung ngiting alam mong may mali. "So...what can you say Andrea?"

"K..." Nagsalita si Veronica.

Sinalubong naman ni Katarina ang tingin niya. "What? Care to explain Vero? Akala ko ba girlfriend mo ang babaeng 'yan? Tapos may gusto pala sa girlfriend ko?"

Matalim at madiin ang pagkakasabi niya sa mga salitang iyon. Parang pinipigilan niya ang inis o pinipilit niyang hindi magalit sa oras na iyon.

Sina Gen at Prim naman ay nakatahimik lang sa tabi, nalilito din sa nangyayari.

"She's not my girlfriend." Si Katelyn na mismo ang nagsalita at doon sinalubong ni Katarina ang tingin niya. Katarina is having an emotionless face. "Si Andrea lang ang gusto ko."

Doon ko nakita ang pagtaas ng isang kilay ni Katarina. "Really? Well, I'm sorry dear. She's mine now."

I held onto Katarina's hand. Hinawakan ko iyon, pinisil- pisil. Pakiramdam ko kasi'y sasabog na siya ilang sandali na lang ang lilipas. Ganoon si Katarina. Mahirap pigilan pag naiinis na. Pero hindi iyon nakakabawas sa nararamdaman ko para sakanya.

Hindi sumagot si Katelyn tungkol doon sa sinabi niya at tumingin muli saakin.

"Andrea? Please? Let's talk?"

Tumayo naman bigla si Katarina at naghikab. "Andrea I'm sleepy already. Let's go sleep together." Again, she emphasized the word.

Hindi siya pinapansin ni Katelyn.

"Andrea." Katelyn insisted.

Nagulat ako nang bumitaw si Katelyn sa pagkakahawak ko sa kamay niya. "Vero, paalisin mo na ang babaeng 'yan sa harapan ko." Katarina managed to smile even after those words she said. "I'm not a good person when I'm at this state so while I'm still able to talk to you properly, please leave."

Hindi pa rin nagpatinag si Katelyn at nananatiling nakikiusap saakin.

Hinawakan ko muli ang kamay ni Katarina at saka kinausap na si Katelyn. "I'm sorry. Kakausapin na lang kita sa ibang araw Katelyn."

Doon ay tila nanlumo ang itsura niya. Inakbayan siya ni Veronica at inanyayahan na tumalikod na. Nanatiling tahimik at gulat na gulat pa rin si Primrose at Genevieve sa tabi. Walang gustong magsalita dahil alam siguro nilang hindi na maganda ang mood ni Katarina. Naglakad na palayo sina Veronica at Katelyn. Habol- habol ko sila ng tingin. Hindi lang ako makapaniwala. Hindi ko naisip.


"Let's go inside." Basag ni Katarina sa katahimikan na bumabalot sa lugar.

Tumingin naman ako sakanya, gusto kong humingi ng paumanhin. "Katarina...I'm s-,"

"Yeah yeah yeah." She cut me off. "Sa susunod, paniwalaan mo na lang ang sinasabi ko. Hindi ko sasabihin 'yun kung hindi ko pansin o hindi ko nararamdaman. Okay?"

Tumangu- tango ako. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Tiningnan naman niya sina Primrose at Genevieve na kinagulat pa ng dalawa. "Kayo? Dito lang ba kayong dalawa?" Tanong niya.

Umiling ng sabay ang dalawa. "Hindi K. Papasok na rin kami. Mauna na lang kayong dalawa ni Andrea ha?" Si Primrose ang sumagot. "Sige na sige na pasok na kayong dalawa. Titingin lang kami ng paligid at maglalakad- lakad."

Ngumiti pa sila kay Katarina at saka inaya na niya ako papasok.

Pinigilan ko siya bago tuluyang makapasok ng kwarto niya. "Katarina...galit ka ba?" Nilingon niya ako at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. "Sabihin mo kung anong nararamdaman mo."


"Nagseselos ako."


Mabilisan at diretsong sagot niya.

Sinalubong ko ang tingin niya.

"Bakit ka nagseselos? Hindi ko siya gusto. Magkaibigan lang kami."

"Eh nagseselos ako. Anong magagawa ko?" Parang malapit nanaman yata siyang mairita. Pinigilan ko na iyon at ginawaran siya ng halik sa noo. Nagsalubong muli ang tingin naming. "Para saan 'yun?"

Ngumiti ako, hawak pa rin ang magkabila niyang pisngi. "For my jealous girlfriend to feel secure of the love I only have for her."

Bahagya niya akong tinulak at tinarayan. "Pumasok ka na sa kwarto mo. Matutulog na ako."

Hinawakan ko muli ang kamay niya.

At tiningnan siya na tila ayaw lumayo sakanya. "Maya- maya ka na matulog. Dito muna ako sa kwarto mo tapos usap tayo."

Bigla ba naman ay binatukan ako at kinurot sa bewang. Aray! Ang sakit! "Para saan naman iyon? Bakit ka nananakit ha?!"

"Bakit umaangal ka ha?!" Sagot naman niya.

Umatras nang kaunti. "H....Hindi." Sagot ko sakanya nang hindi siya tinitingnan. "Sige na, magpahinga ka na haaa. Kakatok ako bukas, dadalhan kitang breakfast."

"Huwag kang magganyan- ganyan Andrea. Tandaan mo nagseselos pa ako. Hindi mo magugustuhan kung nasa ganitong state ako."

Lumapit muli ako at hinawakan siya sa kamay niya bago tuluyan siyang yakapin. "Huwag ka na nga kasing magselos. Wala namang ikakaselos eh. Ikaw lang gusto ko, Katarina."

"Ang sabihin mo, nandoon lang ako kaya hindi mo kinausap 'yung babaeng 'yun. Naku, sigurado kung wala ako, hinatid mo pa 'yun pauwi."

Mas niyakap ko siya nang mahigpit. "Baby...ikaw lang ang babae ko."

"Aba siguraduhin mo lang! Kung anu- ano nang pinaggagawa mo saakin."

Humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya at hinalikan siya sa labi nang mabilis. Nanlaki ang mata niya, halatang nagulat siya sa ginawa ko. "Kung anu- ano kasing sinabi mo eh."

Kinutusan nanaman niya ako. "Nakakadami ka na! Nakakadami ka na talaga!"

Tumigil siya sa pagsasalita nang bigla akong lumuhod sa harap niya. "Paano mo ba gustong patunayan ko ang pagmamahal ko sa'yo?" Seryosong sabi ko sakanya. "Gusto mong magpakasal na ba tayo?"

"Andrea..."

Tumayo ako at niyakap siya muli. "Oo, gusto kong pakasalan ka. Tandaan mo 'yan. Ikaw lang ang babaeng papakasalan ko."

Bigla ay parang may narinig kaming click sa parang cellphone. Napahiwalay kami ng yakap sa isa't isa. Tumingin kami sa paligid pero wala namang tao, kami lang. Tumingin lang ako muli sakanya at napangiti nang sa wakas ay ngumiti na rin si Katarina. Napakaganda niya talaga.



"Ako na yata talaga ang pinakaswerteng tao sa mundo..."




A/N: At least 2 chapters na lang then tapos na finally ang story. :) No drama or anything. Sakanila muna ang focus ng chapter na ito. Have a great night! <3

K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now