58.

9.5K 307 42
                                    



K





"Kamusta ka na?"


Gen visited me along with Prim. Kumuha ng snacks si Prim sa baba para pagsaluhan naming tatlo. Nakahiga lang ako sa kama ko, nakakumot. Ilang buwan na din nung nagpaalam ako kela Mommy and Daddy na hindi muna ako papasok ng office at maghahandle ng mga meetings with clients sa company namin. Nag- decide ako na hindi na rin muna lumabas- labas ng bahay. Ayokong makakita ng ibang mga tao. Ayokong makisalamuha. Ayokong pilitin ang sarili ko na maging okay sa harap ng iba. Honestly, I've never been really okay since.



Naririnig ko na ang yabag ni Prim paakyat hanggang sa makapasok na siya sa kwarto ko na may dalang nachos, iba't ibang chocolates at orange juice na nakatimpla. "Good God Gen, are you just gonna look at me?"


Biglang napatayo si Gen at lumapit kay Prim para tulungan siya. Kahit kelan talaga 'tong dalawang 'to. I must admit though, I've missed them both. Si Vero naman I understand that she's busy these days. Hindi naman niya ako nakakalimutang i-text, imessage para kamustahin ako. Kung gusto ko na raw bang lumabas at makipagkita eh susunduin niya ako. I wish. I would just have to face the cold truth again, especially that she's preparing for her wedding.



"Nachos for your thoughts?" Nakalapit na ang kamay ni Prim saakin na may hawak na nachos at akmang isusubo saakin. Ngumiti ako at umiling. Umayos ako nang pagkakaupo sa kama. "Ilang buwan ka nang nagkukulong at nagtatago dito sa kwarto mo."


Tumingin ako sa bintana, sa kurtina na nakatakip sa bintana. It came to mind that moment when she playfully held me behind those curtains and left me little kisses on my forehead and my nose. She always came to my mind.



I sighed and stared back at them. "Kamusta na siya?"


"Sa totoo lang. Wala na rin kaming balita eh." Habang kumakain ay binanggit ni Gen. "Ever since that day nung umalis ka sa hospital, hindi na ganoon naging okay ang state niya. Mas lumala kumbaga. Kahit kami, nalilito kung bakit nagkaganoon. The doctors were just trying and trying and they couldn't give us a clear explanation why."


Tumatangu- tango na lang si Prim.


Ever since that day, I politely asked all of them na huwag na muna akong kontakin. Na, ayoko muna ng ibang mga tao na kakausapin ako. That I wanted to be alone, myself.


I didn't know about that.



Pinaghawak ko ang mga kamay ko sa ilalim ng kumot, trying to regain my strength whilst listening to both of them; about Andrea. "Where is she now?" Gaining all my courage, I asked.


Prim held my shoulder. "Dinala siya sa States. Doon gusto ipagamot nila Tita. Baka raw doon, mas bumuti ang pakiramdam niya."

K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now