XXIX.

16.4K 553 13
                                    


happy 30k! <3



A



"Ang tahimik ng Bridgett ngayon no?" Biglang sumulpot na lang sa likod ko si Vero. Hindi pa ba ako nasanay sa eskwelahan na'to. Mabibigla ka na lang talaga palagi sa araw- araw na pagpasok mo. Tinignan ko lang siya saglit at muling ibinalik ang tingin ko sa paligid. "Kamusta na ang pakiramdam mo Andrea?"

"Ayos naman." Sagot ko dito. "Wala ka bang klase?"

Bigla ay humarang ito sa harap ko. "Tinataboy mo agad ako? Hindi mo ba namimiss ang kakulitan ko?" Bigla ay ngumiti ito ng pagkalaki- laki. "Transferee ka no?" At naglahad pa ito ng kamay.

"Anong kalokohan 'to Vero?"

"Uy! Kilala mo na agad ako? Tama! Ako si Vero. Veronica Kristen Sy."

Napailing na lang ako sa kung anong ginagawa ng babaeng 'to sa harapan ko. Tssss. Dalawang linggo na nga ang lumipas matapos ang nangyari noon sa Bridgett; 'yung pantitrip ng buong fans club ni Katarina. Ayun, tahimik ang buong Bridgett dahil suspended ata ang mga iyon sa pagpasok. Sinuspend ng Dean. Tssss! Pucha! Paano kapag bumalik ang mga iyon.

Papatulan ko na.

Pwede na diba. Pwede ko nang patulan.

Aba! Masakit- sakit din ang ginagawa ng mga may saltik na iyon saakin ha!

Tinapik ako sa balikat ni Vero. "Can I ask you something Andrea?"

Napatingin muli ako dito. "Basta 'yung kaya kong sagutin."

Natawa naman ito at ipinatong ang kamay niya sa may kaliwang balikat ko. 'Yung bandang kanan ko kasi ay naka- benda pa. "Did you already fall in love?"

Nakunot naman ang noo ko sa tanong na iyon ni Vero. Ako? Na- in love na? Pucha! Saan naman nanggaling 'yung tanong na 'yon bigla! Hahahaha! Imposible ata 'yon. Ni- maattract nga sa tao hindi ko naramdaman. Hini ko alam, siguro dahil wala 'yun sa listahan ng mga gawain ko sa buhay. Mas may kailangan akong gawin at hanapin sa lugar na ito, at hindi ang apat na letrang salitang iyon ang tinutukoy ko.

"Why are you laughing?" Naglakbay ata ang isip ko at muntik ko nang makalimutan na nasa harap ko pala si Vero. "Seriously, sagutin mo na lang kaya Andrea."

"Hindi. Hindi pa nangyari." Simpleng tugon ko.

At ang mukha nito ay animo'y napaisip ng mabuti sa naging sagot ko.

"How about like? Did you ever like someone romantically?"

Kahit naguguluhan ako bakit kailangan niyang magtanong ng mga ganoon ay umiling- iling na lang ako. Wala pa naman talaga akong nagugustuhan na kung sino sa buong buhay ko.

Nakatingin lang saakin itong si Vero na akala mo ay kinukumpirma pa ang sagot ko at hindi sapat ang iling lang na sagot. "Wala."

"Is that your final answer?"

Gusto kong matawa sa pinagsasabi ng babaeng 'to ngayon. "Teka nga muna. Bakit mo ba ako pinagtatatanong ng mga ganyan?"

"Nothing. I'm just curious." Sagot nito at hindi na nakatingin saakin.

"Curiousity kills." Bigla ay napatingin siya saakin na tila nagtataka. "Hahahaha! Ayos na ba? Wala ng tanong tungkol sa hindi nag- eexist na lovelife ko?"

K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now