XI.

22.1K 654 88
                                    

           


K





"It's been a month, K." Mahinang sabi ni Prim mula sa likuran ko. "Dapat ay tapos na ang kung anong pagpapahirap at mga pantitrip ng fans club mo sa Andrea na 'yun but I doubt they're planning to stop."

Hindi ko siya nilingon. Nasa pool kami ngayon sa bahay namin. Inaya ko sila kasama si Gen at Vero. Paparating pa lang si Vero at Gen. I'm aware of that. I'm aware that it's already been a month and ang nakasanayan ay isang buwan lang ang pagpapahirap at kung anu- anong pantitrip, matapos ng isang buwan ay lulubayan na ito.

"What do you want me to do?" Pilit kong maging 'walang pake' ang tono ng boses ko.

Humawak siya sa balikat ko mula sa likod. "You, of all people, know what to do. Ikaw ang sinusunod nila kaya't ikaw din ang may kakayahan na utusan silang ihinto na kung ano man ang ginagawa nila kay Andrea."

Ipinikit ko pa saglit ang mata ko. Of course I should do that. But I can't. Hindi ko alam. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit hindi ko na kinausap pa sila Mikael at hinayaan na lang sila kung ano ang mga plano nila para kay Andrea. Dati ay nakikielam pa ako pero ngayon parang hindi ko lang feel. Sila na lang. Bahala na sila kung anong gusto nilang gawin.

"Anong iniisip mo?" Salita muli ni Prim.

Ano nga bang iniisip ko? Honestly? Wala akong iniisip pero parang napakaraming laman ng utak ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. I remember the first time I met that girl, kasama niya si Vero at napaka- comfortable ng presence niya kay Vero. The second time I met was when she and Angelika were fighting and muntik na akong matumba dahil sa ginawa niyang paghatak ng braso niya mula sa pagkakakapit ko. The third time? Oh yeah fuck. How could I forget? It was when her lips landed on mine. Napapikit ako nang maalala ko iyon. 'Yung halik na 'yun. Ang unang halik saakin. Hindi na nga pala virgin ang lips ko. Nakuha na nung babaeng 'yon. Matapos ang mga pangyayari iyon ay tila parang paulit- ulit na lang ang mga kakaibang kaganapan sa buhay ko.

Andon 'yung muntik na akong ma- rape ng adik and how thankful I was that Vero actually came and rescued me.

'Yung muntik na rin akong pagtangkaan ng kahayukan ni Jason and she came, suddenly became the heroin and rescued me on the process.

Lumingon ako kay Prim na kasalukuyang iniinom ang lemon juice niya. "I'm not thinking about anything, Prim. I think I'm kind of tired."

I remembered too. Sa may c.r. Mapangahas niyang hinawakan ang mga kamay ko ngunit hindi ko naman nagawang pigilan siya ng tuluyan dahil parang biglang nanigas ang buong katawan ko at hindi makagalaw. I don't know how the hell did it happen. All I know is that, I don't want to see that girl's face ever. Kung pe-pwede ay hindi na si Prof. Sig ang maging prof ko sa isang subject ko na kung saan ay magka- klase kami.

She even offered me a grilled cheese sandwich.

Lahat ng firsts mo ay nararanasan mo sa babaeng 'yun.

No. No. No. No. No. Stop thinking senseless shit, mind!

"K!" Nagising ang ulirat ko and stared at Prim in shock after she screamed my name out. What the hell was that for? "I'm sorry. Nakatulala ka na lang kasi diyan. Para kang tanga promise. Parang hindi mo ako naririnig. Are you alright?"

"Painom ako." Hinablot ko agad ang iniinom niyang lemon juice. "Pwe! Pwe! Is this even lemon juice, Prim? Ano bang pinaglalagay mo dito!" Ibinalik ko agad sakanya 'yung juice niya. Ang pakla ng lasa. Bullshit.

Umiling- uling naman ito. "Ano pa bang ilalagay ko dyan ha? Malang eh 'di lemon. Kasalanan ko bang bitter ang buong pagkatao mo kaya't pati panlasa mo ay mapakla?"

K A T A R I N A (•GXG•)Место, где живут истории. Откройте их для себя