XXX.

16.5K 494 81
                                    



K



"Nakakita ata ako ng himala sa kauna- unahang beses sa buhay ko." It was Andrea. We're here sa private place ko mismo sa Bridgett. Honestly, hindi ko alam bakit hinatak ko pa siya kung pwede naman akong mag- isa dito mismo and that's what I've been doing ever since naman.

I arched an eyebrow at her while she's already looking at somewhere else. I don't know, I just felt it. Naramdaman ko lang na tinitignan niya ako kanina. Siguro. "What do you mean, stupid?"

"Hindi mo ata inaway si maton!"

"Maton? Who the hell?"

Natawa pa siya ng bahagya. Seriously? Does it look like I'm kidding here? "Yung babaeng maton! Ano ba ulit ang pangalan non? An... Al..."

"Angelika. I think you're referring to Angelika. Babaeng maton siya?"

Sinalubong na niya ang tingin ko. "Aba! Ano bang itatawag mo sakanya? Babaeng- babae pero handang- handa makipag- suntukan naman pala. Akala mo eh aabangan ka na lang bigla sa labas o kaya ay susumbagan ka bigla. Babaeng maton kapag ganoon!"

Bigla siyang ngumiti.

This stupid just smiled at me.

Tinulak ko ang balikat niya na siyang kinagulat niya. "Are you making fun of me?"

Nalukot naman ang mukha niya bigla. "Nakakalimutan mo atang under recovery pa rin ako nang dahil sa buong fans club mo."

"It's your fault. You're making fun of me."

"Bah! Ako pa? Kasalanan ko pa bigla? Eh bakit kamo kasi nangiti ka diyan bigla- bigla?"

"Nangiti? Ano bang pinagsasasabi mo dyan ha? You know what, can't you see? I'm trying my best here. I mean it, I really want us to be civil with each other. Call it a truce."

Andrea looks away while shaking her head. "Ganoon pa rin naman ang sagot ko. Hindi magbabago. Pero sige, truce."

"Truce?" Ulit ko pa.

Humarap siya at inilahan ang kamay niya. "Truce."

I held her hand.

Biglang uminit ang pakiramdam ko kaya't humiwalay din kaagad ako sakanya.

"Pwede bang magtanong, mahal na prinsesa?" Nakangiting salita nito.

Nagsalubong ang kilay ko. "Really? You're starting again Ruiz."

"Itatanong ko lang sana bakit? Bakit may ganoong tradisyon pagdating sa mga transferees ng eskwelahan na 'to?"

"It just happened. I don't know. Basta, may parang na-bully noon. Well, she's a  transferee. Kaya ayun, naging tradition na lang siya bigla."

Andrea is staring at me intently while she listens. "What more do you want to know? Basta ganon nagsimula."

"Isa lang naman gusto ko marinig sa'yo, na ikaw talaga ang nagsimula. Ikaw talaga ang nagsimula no? Diba? Diba?"

"So what? Like hell, I care!"

"Oh chill ka lang Katarina." Nakangiti nanaman ito, mapang- asar actually. Grrrr. "Pero sa totoo lang tahimik pala ang Bridgett no? Sana ganito palagi. Gaano katagal nga pala ang suspension ng buong fans club mo ulit?"

Matapos niyang sabihin iyon ay tumawa nanaman siya. Mapang- asar talaga ang babaeng 'to. Nakakairita! Palaging panira ng araw! Hindi ko ma- imagine ang araw na talagang ayos kami. Gooood!

K A T A R I N A (•GXG•)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon