A
Hindi na ako nagulat pa. Magdadalawang- linggo na itong ginagawang pantitrip saakin ng mga kung sinu- sinong estudyante sa loob ng campus. Meron biglang magbubuhos saakin ng juice at spaghetti habang kumakain ako ng lunch sa canteen. Meron naman eh biglang papatirin ako kaya't madadapa ako at bigla- bigla silang tatawa. Meron pa eh babatuhin ako ng itlog. Masakit mabato ng itlog ha! Saakin nila binabasag 'yung mga itlog at lagkit na lagkit ako pagkatapos. Magdadalawang- linggo na rin nang mapagpasyahan ko na magbaon na ng extra shirt araw- araw.
Pucha! Daig ko pa paglantad na transferee ako ha!
Nagsimula nga ito matapos ang aksidenteng pagkakabangga muli namin ng malditang maarte na 'yun. Aba! Hindi ko naman talaga sinasadya 'yung pagdikit ng labi ko sa labi niya matapos ko siyang mabangga at madapa sa ibabaw niya. Wala pa naman akong saltik para bigla- biglang manghalik ng tao no.
At saka straight ako! Straight na straight! Pramis!
"So we meet again, Ms. Andrea Michelle Ruiz."
Napatigil ako sa paglalakad at bigla'y may nagbuhos saakin ng isang balde ng tubig na punong- puno ng yelo mula sa itaas na floor. Parang nag- ice bucket challenge ako nito ha. Nahagip pa ng paningin ko na may nagvi-video sa nangyayari saakin habang tumatawa nang tumatawa.
F L A S H B A C K
Hiningal ako sa pagtakbo, pagtago at pagtingin- tingin sa paligid kung bigla man sumulpot 'yung babae na 'yun. Oo, si Veronica ang iniisip ko. Alam kong pipilitin niya ako sumama sa SM and worse eh baka kaladkarin pa ako mapasama niya lang ako. Hangga't maaari eh iiwas at iiwas talaga ako sa mga estudyante sa eskwelahan na ito. Mga immature, napakaisip- bata akala mo playground ang university.
Matapos kong sumakay sa jeep ay pumara na ako nang matanaw ko na ang bahay namin. Ang init init at ang sikip ng jeep nang nasakyan ko. 'Yung tipong kung lrt 'to at galing akong North eh lahat ng kasama ko eh tila bababa ng Baclaran. Hayup. Kalahati na lang ng pwet ko ang nakaupo. Pucha!
Pumasok na ako ng bahay at sinalubong agad ako ng nanay ko.
"Andeng kam-," Bigla siyang napatigil sa pagsasalita ng mapansin ang mukha ko at lumapit siya upang mapagmasdan itong mabuti. "Ano namang nangyari sa mukha mo?"
Umiling- iling ako. "Wala 'to."
"Unang araw sa klase ay nakipag- away ka kaagad?"
Pinagmasdan ko siya nang may pagtataka. Ako? Ako pa ba talaga ang nakipag- away? Ni hindi ko ginawang pumatol kanina kahit ang lakas ng sapak ng babaeng maton na 'yun. Kapag ako talaga hindi nakapagpigil eh ultimo paghinga niya pipigilan ko.
Tumungo na ako sa hagdan upang umakyat patungong kwarto ko. "Iwas- iwasan mo ang away kung gusto mo ng tahimik na buhay."
Diyan magaling ang nanay ko. Bukod sa manermon eh nagra-rhyme ang mga sinasabi niya. Ngumisi na lang ako at nagdire- diretso patungong kwarto.
Mabilis kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. Pagod na pagod ako. Hindi ko inaasahan na ganoon kabigat ang magiging unang araw ko. Pansin na pansin ako ha. Mas gusto ko talaga 'yung parang hangin lang ako eh. Bukas sana, maging hangin ako sakanila o kung hindi naman eh parang tae na lang, 'yung iiwas- iwasan nila agad.
Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako kaagad at hindi ko na nagawang makapag- palit pa ng uniform dahil sa sobrang pagod.
*Kriiiing! Kriiiiing! Kriiiiing!*
*Kriiiing! Kriiiiing! Kriiiiing!*
Napadilat ako bigla at napaupo sa aking kama at tinignan ang oras sa alarm clock. 7am. May iilang oras pa ako para mag- ayos. Ang sakit ng katawan ko ha. Tinatamad akong pumasok. Biro lang, hindi pwede. Hinding- hindi pwede.

YOU ARE READING
K A T A R I N A (•GXG•)
Teen FictionKatarina Rachelle San Juan- three words to describe her: cold, hearted bitch. Bagaman, kilala siyang isang bully at maldita sa kanilang campus, lahat naman ng kanyang makasalubong ay tila gigilid upang mapagbigyan siya ng daan o kaya nama'y mapapalu...