XII.

22.2K 612 86
                                    


(a/n: bigyan pansin ang mga italicized words. you'll never know, there are clues. ;) if there are misspelled words and wrong grammar i'm sorry i can't edit at the moment because i have no phone :( enjoy reading! 'til next.  -ur resident hangin ~flies away~) 



A



F L A S H B A C K

Nagmamadali ako ngayon sa paglalakad sa hallway dahil anong oras na pala. Pucha! Masyado akong nawili sa pagpapahinga at nakatulog nanaman ako dun sa ilalim ng puno malapit sa field. Madilim na. Hindi pa naman gaano pero madilim na rin sa paningin ko ang ulap. Bakit ba kasi nahiga nanaman ako dito? Pakiramdam ko tuloy eh may mantitrip nanaman na immature na fan ni bruha.

Mukhang hindi nga ako nagkakamali dahil may sumulpot na kung sino sa likod ko; naka- ngisi ito. Nilingon koi to kaya'y kitang- kita ko rin nang may biglang sumunod na dalawang lalaki sa likod niya. Hindi ko ganon maaninag 'yung mukha nilang tatlo dahil madilim- dilim na nga.

"Hey there loser. Gabi na ha? Bakit nandito ka pa? Wala ka bang bahay na inuuwian kaya dito ka natutulog?" Tumawa 'yung kasama niyang dalawang lalaki sa sinabi niya. "That's just so poor of you. Paano ka nakapag- aral dito?"

Hindi ko sinagot 'yung lalaki. Ayokong makipag- usap dahil baka ma- upakan ko lang sila pag nagkataon. Syempre.

Syempre biro lang. Hehehehe. Hindi ako nakikipag- away. Dati lang.

Nagsimula muli akong maglakad ngunit nagsalita na ng malakas ang lalaki na siyang nagpatigil muli saakin. "Hey! You're really rude, aren't you?" Nilingon ko siya at papalapit silang tatlo sa pwesto ko. "Get that bitch, boys." Lumapit na nga 'yung dalawa saakin kaya't tinalikuran ko muli sila at maglalakad na sana nang makita kong may tatlong tao na rin pala sa harap ko at nahawakan na nila ako sa braso.

Biglang may tinakip na panyo sa ilong ko at doon. Doon ako nahilo at nawalan ng malay.

Napabalikwas ako ng bangon nang mapansin ko kung nasaan ako. Ang dilim! Pucha ang dilim! Ayaw ko sa dilim! Hindi sa takot ako sa dilim pero parang medyo ganun na nga... Hayup naman 'yan! Ibang trip na 'to. Eto 'yung mga trip na ayaw ko eh. Eto 'yung mga trip na nababadtrip talaga ako. Puchang 'yan.

Umupo na ako at isinandal ang ulo ko sa pader. Ang lamig ng sementong lapag. Pucha! Paano ko naman sasabihin sa nanay ko kung saan ako nanggaling pagkauwi na pagkauwi ko bukas? Puchang mga estudyante 'to. Pakshet! Nagpapasalamat na lang din ako sa ilaw ng buwan na kahit papaano'y may liwanag kaunti 'tong kwarto kung nasaan ako.

Lumipas ang ilang minuto eh hindi na ako umasang may biglang papasok sa kwarto na 'to at magpapalabas saakin. Magaalas- onse o alas- dose na ata ang oras sa pagtingin ko sa relo ko. Nakauwi na ang nanay ko at tulog na siya sigurado ako. Pucha! Mag- iisip na lang ako ngayon kung anong paliwanag ang ibibigay ko sakanya na papaniwalaan talaga niya.

Tinamaan ang balat ko ng malamig na hangin at medyo tumaas ata ang balahibo ko. Hindi naman ako matatakutin pero puchang 'yan! Sa ganitong klaseng lugar at wala akong kasama at napakadilim eh imposibleng wala akong maramdamang kaba no!

Ang tahimik pa! Tinapik- tapik ko ng kamay ko 'yung lapag makapaglikha lang ng ingay. Naalala ko pa 'yung palagi naming kinakanta ng best friend ko. Tama, kakanta na lang ako para kahit papaano ay magkaroon ng ingay sa kwarto na 'to.


Nang ma- in love ako sa'yo akala ko'y pag ibig mo ay tunay

Pero hindi nag- tagal lumabas din ang tunay na kulay

K A T A R I N A (•GXG•)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ