K
Iminulat ko ang mga mata ko ng dahan- dahan dahil ang bigat ata ng mga ito, parang isang buwan akong natulog. Pati ang katawan ko ay ang sakit, ang sakit sakit at para naman akong nakipagbakbakan sa kung ano. Pagkabukas na bukas ko ng mga mata ko ay bumungad agad saakin ang mukha ni Veronica. Nakaupo siya sa tabi ko at halata ang pag-aalala sa mukha niya.
"W...wh-," Hindi ko na natuloy dahil biglang natuyo ang lalamunan ko.
"Ma'am Veronica, kailangan ho ni ma'am ng tubig." Kinuha naman ni Vero ang tubig na nakapatong sa table na nasa side ng kama ko at inabot ito saakin at ininom ko rin ng mabilis pagka-abot na abot ko. Uhaw na uhaw ako, daig ko pa ata nag- fun run. Nakatayo pala si Yaya Isidra sa gilid ng kama. "Kamusta ho ang pakiramdam ninyo ma'am Katarina?"
Ibinaba ko ang baso na wala ng laman ng tubig sa side table ngunit maagap na nakuha 'yun ni Vero at siya na ang nagpatong noon. "I'm fine." Tipid kong sagot at lumingon kay Vero na naghihintay lang ata na kausapin ko.
"What are you doing here Vero?" Diretso kong tanong.
"Ah ma'am kasama ho si Ma'am Veronica sa paghatid sainyo rito ni Junitz. Nag- alala po ang lahat at nagpunta rin ho sila ma'am Primrose at ma'am Genevieve." Si Yaya Isidra ang sumagot ng tanong ko na tila pinagpasalamatan pa ata ni Vero.
Bigla'y naalala ko ang kaganapan kagabi. Kung paano na ako muntikan ma-rape at kung paano ako biglang niligtas ng kung sino man na nabangga ko kagabi. Nagtatanong ang utak ko. Sino iyon? Sino iyong tumulong saa-,"
"I saw you there K. Saktong naglalakad ako at nakita kita kagabi. Mabuti na lang at habang pinipigilan ko 'yung matandang 'yun na humabol sa'yo ay nakita ko rin na papalapit na si Junitz at parehas naming pinatumba 'yung lalaki na 'yun." Pagkekwento ni Vero at bigla naman akong napatingin sakanya. "Tumawag na rin pala siya ng mga pulis at tanod at mabilis din na rumescue saatin."
Umayos ako ng pagkaka-upo sa kama. Agh! Ang sakit ng likod, tuhod at mga paa ko. Napakalayo ba sobra ng natakbo ko kagabi? Hindi ko na namalayan.
"Ma'am Katarina, ma'am Veronica. Ibababa ko na ho itong tray at maghahanda na rin ho ako ng makakain niyo." Tumango na lang kami parehas kay Yaya Isidra hanggang sa makalabas siya ng kwarto ko.
Niyakap ako bigla ni Vero. "I'm really glad you're okay. Pinag- alala mo ang lahat ng sobra."
"P-papaano ka palang andun kagabi kung nasaan ako?" Nagtatakang tanong ko nang bumitaw siya sa pagkakayakap saakin. "Paanong-,"
"Prim and Gen kept on texting and calling me." She answered. "They tracked your place through the gps connected to your phone. Mabilis din akong nagpunta doon at sabi kong humabol silang dalawa at basta kung sinong mauna saaming makita ka. At ayun nga, naglalakad ako at nakita kitang nagmamadaling tumakbo at bumangga ka saakin."
Nag- explain na siya pero bakit parang may mali. Parang may hindi tugma. Binura ko na lamang ang isipin na iyon sa utak ko at tumango- tango sakanya.
Bumuntong- hininga siya. "So are we good now K? Are we okay and back to being friends? I'm really sorry. I am. When I saw you last night, I thought I could lose you any moment and I thought why would I let go of you as my friend. Ang dami na nating pinagsamahan together, noong n...nasaktan ako, you were there too." Niyakap ko siya bilang tugon at ngumiti ako sa yakap na 'yun.
"We're good Vero. Thank you for saving me even if we weren't in good terms last night." Naramdaman ko ang biglang paninigas ng kanyang katawan pagkasabi ko non, ngunit gumanti na lang din siya ng yakap saakin.
Humiwalay na ako. "Where's mommy and daddy?"
"They were here last night. They were really worried and they even scolded Junitz big time! Muntik ng maihi si Junitz sa takot lalo na sa daddy mo. But he didn't get fired because I told them he helped. Tito just made sure to Junitz that it should never happen again." Kahit na gustong- gusto kong masisante si Junitz ay totoo, tinulungan niya ako. "Tara na baba na tayo K. Prim and Gen are downstairs."

BINABASA MO ANG
K A T A R I N A (•GXG•)
Teen FictionKatarina Rachelle San Juan- three words to describe her: cold, hearted bitch. Bagaman, kilala siyang isang bully at maldita sa kanilang campus, lahat naman ng kanyang makasalubong ay tila gigilid upang mapagbigyan siya ng daan o kaya nama'y mapapalu...