XXXIX.

18.8K 627 102
                                    



K



Nagising ako sa paulit- ulit na katok mula sa labas. I checked what time it is already through my phone. 7:25am. Ugggh! Ang aga pa! Wala naman akong scheduled meetings for today. No meetings with people too. Damn it!

"Katarina... iha... gising ka na ba?"

God! It's Yaya Isi. I decided to answer back. "Yes, bakit?"

"Mag- ayos ka na at bumaba iha at mag- agahan na."

I heavily sighed. "Okay okay. I'll be there in a few." I told Yaya Isi and finally nawala na rin ang katok and I was about about to close my eyes again, when I heard a knock again.

Damn it.

"Katarina iha... tumayo ka na diyan ha."

Ugh. Tumayo na lang ako tutal gising na naman ako at mahihirapan na rin ako makatulog ulit nito. I checked my phone first and there are messages coming from Prim and Gen. Binasa ko lang ang mga iyon. The typical ones and then I just did my morning rituals.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto at hindi pa man ako nakakakalahati ng steps pababa, I just stopped right there in the stairs.

"Masarap iyan. Paborito iyan ni Katarina." We have a visitor? Yaya Isi seems to be very fond of whoever that is dahil natatawa pa ito. "Malakas kumain ang batang iyon. Pero syempre sexy pa rin ang alaga ko. Hindi lang maganda." Napa- smirk naman ako sa sinabing iyon ni Yaya Isi. Aba, oo naman! Hindi lang ako maganda, sexy pa! That's right.

Narinig ko rin ang mahinang pagtawa ng kung sinong kausap ni Yaya Isi. "Wala naman pong duda dyan sa sinasabi niyo, 'Nay Isi."

From that moment, I thought my heart skipped a beat.

Napatigil din ata ako sa paggalaw. I became too static.

"Naku! Pero buti ay nabisita ka Andrea. Ikaw talagang bata ka ang tagal kang hindi nagawi dito ha!"

It's really her!

Nilalagyan pa rin siya sa plato ng iba pang inihandang pagkain ni Yaya Isi. "Mukhang ayaw ho ata ako makita ng alaga niyo."

Nagsalubong naman ang kilay ni Yaya Isi. "Ano bang hin-," Saka napatingin siya saakin kaya't bigla siyang napangiti. "Ikaw talagang bata ka! Kita mo nga! Maagang gumising ang alaga ko para makasabay ka sa agahan."

Tinuro pa ako ni Yaya Isi kaya't nanlaki na lang talaga ang mata ko. Andrea's hair plunged over her shoulders as she looked behind until her eyes met mine. Bigla... bigla ba namang ngumiti! Stupid! Why do you have to smile like that?!

"Halika na Katarina iha at mag- agahan ka na rin. Saluhan mo ang bisita natin na kakarating lang pala galing ibang bansa."

Andrea is smiling at me. Hindi ata ako makagalaw mula sa pwesto ko. What the actual hell is she doing here? "Good morning." Bati niya na naka- ngiti pa rin.

I didn't greet her back instead I tried to go back to my room. But stopped when she called our for my name. "Katarina, sandali lang!"

Naglakad na pala siya papalapit saakin. Wala na akong nagawa kung hindi bumaba na lang din. Nakakahiya! God! Naka- sando lang ako at short shorts. Damn it. Bakit ba kasi ang aga- aga nandito siya?!

"What are you doing h-here?" I asked her, slightly stuttering.

"Sa pagkakatanda ko, welcome ako sa bahay na 'to diba?" Naka- ngiti pa rin siya nang sabihin niya iyon. God! Ano bang hangin ang nalanghap niya sa ibang bansa at naging ganito siya? Damn it! "Tara na, kumain na tayo."

K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now