XVI.

20K 630 106
                                    


a/n: dedicated to @nstrlouuuuuu kahit anong mangyari magcha- champion ang Cavs! :P pa- update lang, maaga natapos eh. :) enjoy reading! ~ur resident hangin flies away~


A



Malayo- layo rin pala ang lugar na pinuntahan namin ni bruha. Pero kung tutuusin, maganda don ha! Mas tahimik, mas panatag ang loob ko na walang manggugulo saakin kung matulog man ako sa ilalim ng puno. Pero badtrip! Naknampucha 'yan oh! Basang- basa na rin ako eh. Parang kahit makahanap ako ng sisilungan sa campus eh naligo na rin ako ng tuluyan sa ulan.

May bagyo ba ngayon? Parang wala namang nabalita ha?

Hindi ka naman kasi nanunuod ng balita, Andrea. Pinatay mo nga t.v niyo kanina diba.

Eh basta! Kung may bagyo eh 'di sana kanina pa nila sinuspinde mga klase para hindi na nag- abala pang pumasok ang mga tulad kong masisipag na estudyante. Bwahahaha! Pucha naman! Nakalabas na rin ako ng pinuntahan namin ni bruha at natatanaw ko na ang field.

Napakalaki talaga ng university na 'to!

Pero bakit nagsasalubong pa rin ang landas namin ni babaeng maton no? Sinusundan ata ako non eh. Stalker ko nga siguro ang amazonang 'yon!

"Hey!" Napahinto ako sa paglalakad. Badtrip naman kasi bakit wala akong dalang payong! Kakaibang panahon din 'to eh! Ang araw- araw kanina biglang umuulan! Hindi na ako magtataka kung bakit pati feelings ng mga tao eh ganito. "Hey you! What the hell are you doing here?"

Hinarap ko na kung sino man 'yong mapangahas na kausapin ako.

Bwahahaha!

Nanlaki pa ang mata nito nang makita ako. Parte ata 'to ng fans club ni bruha eh! Dinuro agad ako nito. "A-Anong ginagawa mo diyan!"

Tinuro ko pa ang sarili ko at luminga- linga sa paligid tila sinigurado kung ako ba talaga ang kausap ng isang 'to. Babaeng may saltik nanaman ata ito eh!

"You loser! I'm talking to you! Anong ginagawa mo sa lugar na 'to?" Lumapit pa ito habang nakataas pa rin ang dalawang kamay ko, pilit sinasalo ang ulan upang hindi ako mabasa.

Buti pa 'tong babaeng nasa harapan ko eh naka- payong.

Hindi ko na siya pinansin pa. Kailangan ko na talagang makahanap ng sisilungan, basang- basa na ako. Basang- basa sa ulan, walang masisilungan... walang malalapitan!

Bigla ay may humarang sa harap ko. Dalawang lalaki. Parehas naka- payong ang mga ito! Pwede naman ako makipag- usap basta ba't pahiramin ako ng mga ito ng payong nila eh sa tingin ko ay napakalabo naman non!

Pakshet na malagket!

"Ang tigas mo talagang babae ka eh no! Pati ba naman sa private place ni Miss Katarina eh mapangahas mong pinasok?" Tinulak ako ng isang lalaki. "Tigas ng mukha mo ha!"

Aba! Gago ang isang 'to ha!

Pero ano raw? Private place ni bruha? Kaya pala walang tao sa loob!

Tinitigan ako ng lalaki matapos niyang ibaba ng bahagya ang payong niya. "Ang kapal ng mukha mong pasukin ang private place niya. Don't you know that this place is for Miss Katarina and our queen, alone!" Bigla ay itutulak muli ako nito pero umiwas ako.

"Aba, lumalaban na Mikael?" Nagtawanan sila. Umiwas lang lumalaban na?

Eh kung labanan ko kaya talaga ang mga mokong na 'to! Tsk! Bigla ay hinawakan ako nung dalawang lalaki sa parehas kong braso. Kaharap ko ngayon eh 'yung babaeng nagsalita kanina.

K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now