TENTENENTENTENENTENTENEN
A
"We have to find my daughter." Niyakap ng tatay ni Katarina ang asawa niya. "Ronaldo, we have to find our daughter!" Mangiyak- ngiyak na turan ng nanay ni Katarina. Anim na oras na ang lumilipas at wala pa rin ni- anino niya.
May mga pulis ngayon na kausap ang mga magulang ni Katarina. Andito rin kasama namin sina Veronica, Genevieve at Primrose na halata rin ang pagkabahala at pag- aalala sa mga mukha. Kanya- kanya din silang contact sa kung sino na kakilala ni Katarina upang alamin kung kasama nila siya. Ngunit wala, walang nakakita kay Katarina.
"We will find your daughter, Mrs. San Juan. You have to calm down." Sabi nung pulis na kanina ay nagtatanong- tanong tungkol kay Katarina. Bumaling naman ito ng atensyon saakin habang pinapakalma ni Mr. San Juan ang kanyang asawa. "Miss, sigurado ka bang hindi mo na nakita si Ma'am Katarina matapos mo siyang iwan sa lugar na iyon?"
Ikinwento ko sakanila ang buong pangyayari.
Kung paano kaming pumunta sa private place niya sa Bridgett.
Kung paanong may tinignan lang ako sa bandang likod ng lugar na iyon. Pagpunta ko sa may bandang likod non ay wala naman tao, wala ring kakaiba. Bukod sa pagbalik ko nga ay wala na si Katarina.
Posible kayang...?
Tumingin ako sa pulis at inspector na nasa harap ko na ngayon. "Hindi na. Bigla siyang nawala pagbalik ko."
"We've already recorded this case. Any person na sa tingin niyo ay maaaring maging involved sa pagkawala ni Ma'am Katarina?"
Nag- isip ang tatlong magkakaibigan.
Nag- uusap sina Genevieve at Primrose habang si Veronica ay animo'y tulala.
"Wala po. Wala talaga. Although sikat si Katarina, wala akong nababalitaan na talagang may galit sakanya upang magawa ang ganitong bagay." Si Genevieve ang nagsalita. Habang nagsasalita ito ay nirerecord ng inspector ang kanyang sinasabi. "Hindi rin gaano palakibo si Katarina sa iba. Kami lang talaga ang pinapansin niya. Wala talaga kaming kilala na pwedeng maging involved sa pagkawala niya."
"I agree with Gen. Katarina doesn't like to involve herself with other people if possible. She never engages into people's businesses. Kami- kami lang talaga ang magkasama palagi. I don't really know... We don't r-really..." Biglang umiyak si Primrose at niyakap naman siya ni Genevieve. "This is like happening aga..." Isinubsob na ni Genevieve ang mukha ni Primrose sa balikat niya at doon ito nag- iiyak.
Napansin kong nakatulala pa rin si Veronica. Tila malalip ang pag- iisip.
Lumapit ang inspector at pulis sakanya. "Miss Sy?"
Tila natauhan naman ito at napatingin saakin maging sa inspector na nasa harap niya ngayon. "Ahh w-what is it?"
"Kung may kilala ka ba na maaaring maging involved sa pagkawala ng iyong kaibigan?"
Mabilis ang pag- iling nito. "No one."
Mabilis din ang pagbukas ng pinto at iniluwa nito ang isang pamilyar na pigura. Kung hindi ako nagkakamali ay si Jason iyon. Jason ang pangalan niya at naging boyfriend ata siya ni Katarina o boyfriend pa rin? Ah, basta hindi ko alam. Bago pa ito magdire- diretso ay tinignan muna ako nito, hindi ko alam kung talaga bang masama ang ipinukol na tingin nito saakin o guni- guni ko lamang iyon.

YOU ARE READING
K A T A R I N A (•GXG•)
Teen FictionKatarina Rachelle San Juan- three words to describe her: cold, hearted bitch. Bagaman, kilala siyang isang bully at maldita sa kanilang campus, lahat naman ng kanyang makasalubong ay tila gigilid upang mapagbigyan siya ng daan o kaya nama'y mapapalu...