XVIII.

19.4K 568 46
                                    


(a/n: sorry po ito lang nakayanan ko, masama lang po pakiramdam ko at pag gumaling po ako eh mas maayos na update. :) enjoy reading!) 



K



"Hoy! Bumalik ka rito! Damn it!" Napatigil ako sa paglalakad papunta sa first class ko which is kay Mr. Hernandez nang marinig ko ang umaalingawgaw na boses ni Gen sa likod ko.

Nakita kong parang may hinahabol siya na babae; hindi katangkaran ito, naka- bun ang buhok, nakasuot ng malaki- laking glasses at naka- malaking backpack pa. Like seriously? We're already in college and ganyan pa rin ang gayak like we're not even in high school anymore! God, these kinds of people are annoying me.

I noticed na papunta sa direksyon ko ang kasalukuyang paghahabulan ni Gen at nung babae.

"Sinabi ng bumalik ka rito! Hindi pa ako tapos sa'yong bibwit ka! Bwisit!" Nagmamadali ngang lumayo 'yung babae kay Gen at mabilis na naglakad. Muntik- muntikan pa niya akong mabangga.

What the hell is Gen's business with this girl? Sinalubong nung babae 'yung tingin ko. Omg! This girl looks familiar! Nanlaki ang mata nito at nangiwi. "M...Miss K-Katarina! P-pasensya na h-ho talaga! Hindi ko h....ho s-sinasadya!"

"There! Finally! You gave up with your stupid game!" Humawak pa si Gen sa dalawang tuhod niya na parang nagpapahinga dahil hingal na hingal kakahabol. "Hawakan mo 'yan K. May kasalanan saakin ang babaeng 'yan!"

Nanlaki muli ang mata ng babaeng 'yon. Hindi ko na nagawang mag- react pa dahil nagsalita muli itong babaeng nakasuot ng pagkalaki- laking glasses. "S-sorry M...Miss K-Katarina...!"

Then all of a sudden, kumaripas ito ng takbo at hindi na nagawa pang habulin ni Gen dahil nagulat din siya sa ginawa nito.

"Aba't! Hoy nerdy!" Bumuntong- hininga si Gen. "Pakshet! Bwiset naman!" Pumadyak- padyak pa ito at sumabunot sa buhok akala mo'y naubusan na talaga ng pasensya.

Tinitigan ko si Gen habang nakataas ang isang kilay ko.

Seriously? Hinabol niya pa ang babaeng 'yon?

For what?

Tinignan naman ako ng masama ni Gen in response. Woah! Hold it right there! "Sabi ko naman kasi sa'yo K eh hawakan mo 'yung babaeng 'yon! Kita mo... nakatakas tuloy! Huhuhu." And now it's my fault? Are you kidding me, Gen? "Bwisit 'yung bibwit na 'yon!"

"Did you really expect me na hawakan siya para pigilan? Who the hell are you to command me like that Gen? Kung ikaw kaya ang hawakan ko sa buhok at kaladkarin ka!" I snapped. I can't believe she actually told me that.

I don't even know that girl let alone touch her like I'm close to her? Hell, no way!

Tumingin lang ito saakin na parang napipikon na. "Ha! Ewan! Bahala ka sa buhay mo K!" Naglakad na rin ito paalis. Pabalik. The opposite direction kung saan siya nanggaling.

What the hell is her problem?

Bakit niya saakin ibinubunton 'yung kung ano mang issue niya sa nerdy na 'yon!?

Like hell I care!


Naglakad na rin ako papunta sa room ko. 10 minutes until Mr. Hernandez came to our class. Maaga- aga akong nakapasok dahil suspended nga kahapon. Maaga ako nakatulog dahil wala rin naman akong ginagawa kung hindi makinilig sa music o kaya ay manuod ng kung anu- anong vlogs.

K A T A R I N A (•GXG•)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant