XIX.

22.3K 658 84
                                        

HAPPY PRIDE MONTH!!! MAGPAKA- BAKLA TAYONG LAHAT!!!!!! ^___^


A


"You have to be more vigilant and.... of course lie- low ka lang talaga dapat. You are surrounded by people with influences all around the country, Andrea." Sabi ng kausap ko.

Bumuntong- hininga ako. "Ginagawa ko ang lahat ng kaya ko. Can't you see? Kahit napagti- tripan na ako sa eskwelahang 'yon! I'm not even fighting back." Medyo may halong inis na ang boses ko.

"You know you can't."

Tumango na lang ako at ibinaling ang atensyon sa ibang lugar.

"But still Andrea, you have to be more careful. You don't know what could be possibly happening around you." Tinitigan ako nito. "You always have to be the one in control."

I am the one in control.

Of course, I have to be the one who's going to manipulate people's minds.

"Alam ko. I know I know. You don't have to keep on reminding me." Minsan ay nauubos din talaga ako ng pasensya at napapagod.

But remembering him. It's what always keeps me going.

Ginagawa ko ang lahat ng ito para sakanya.

I miss you... so much.

Tinapik ng kausap ko ang balikat ko at bumalik ang atensyon ko sa kasalukuyan. "We'll talk again, Andrea. You will have to talk to everyone soon."

Tumango- tango na lang ako.

Sumakay na ito ng sasakyan niya at umalis.



Naglakad- lakad lang ako sa paligid ng Bridgett. Hindi ko kinayang umattend ng mga classes ko ngayon. Naalala ko lang ang noon. Naalala ko kung paano binago non ang buhay ko ngayon. Ipinikit ko ang mata ko bago tuluyang pumasok ng university. Sana lang eh walang bumangga saakin o kumanti na fans club ni bruha. Hindi yata ako makakapagtimpi ngayon. Hindi. Kailangan mong magtimpi.

Sarado na ang utak ko. Ang dami masyado nitong laman parang gusto kong ilabas pero kahit ilabas ko naman ay wala ring mangyayari. Tapos na ang noon. Nangyari na, hindi ko na maibabalik pa.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang may tumawag sa pangalan ko.

"Andrea! Andrea!"

Alam kong hindi parte ang taong ito ng fans club ni bruha dahil pangalan ko mismo ang tinawag nito at hindi kung anu- anong insulto.

Nilingon ko ito. Siya nanaman. Naglakad naman ito papalapit sa pwesto ko. "Andrea, anong ginagawa mo rito? Wala kang klase ngayon?"

Umiling ako.

"So saan punta mo? Gusto mo samahan ki-,"

Umiling agad ako at tinignan siya para pigilan kung ano man ang susunod na sabihin niya. Napakakulit din ng lalaking 'to! Kahit ngayon lang sana ay walang mangulit saakin.

Bigla ay kukunin sana nito ang bag ko saakin. "Ako na magdadala nito ha. Samahan kita kahit saan mo gusto."

Kinuha kong muli pabalik ang bag ko sakanya. "Gusto mong makatulong? Iwanan mo na ako dito." Napaawang naman ang bibig niya sa sinabi ko. "Hindi ko kailangan ng kasama."

K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now