49.

10K 356 29
                                    


K





I deleted her number.


Itinago ko sa box ang necklace na ibinigay niya saakin.


I want to start anew.




Maybe Red is right. Hindi ko na kailangan pang mag- isip kung anong kailangan kong gawin. I can't just be stuck here. Hindi pwedeng magmukmok lang ako sa kwarto ko at paghintayin ang buhay ko sa labas. If I would know, nahihirapan na sila daddy at mommy dahil ako na dapat talaga ang naghahandle ng business namin.



I need to go out and move on.

There is no Andrea.

And there will be no Andrea everywhere.



Nagbihis lang ako, tiningnan ang sarili ko sa salamin. You can do this Katarina. Hindi ka ganito. Hindi ka mahina. Everything that happens always has a reason. Be strong. Bumaba na rin ako matapos kong magbihis. Nagulat pa si Yaya Isi habang naghahanda ng agahan naming sa lamesa.


"Good morning Yaya Isi." Masiglang bati ko. "Ang bango nanaman ng luto mo ha. Mapaparami yata ako ng kain ngayong umaga."


Ngumiti si Yaya Isi at umupo ako. "Mukhang maganda ang gising mo iha." Puna nito. "Pero teka, may pupuntahan ka ba? Nakabihis ka?"


I smiled back. "Yes Yaya Isi. Pupunta po ako sa company namin. Aayusin ko ang mga bagay na kailangan ayusin. Kailangan kong bumawi kela daddy at mommy."


Yaya Isi suddenly hugged me. "Masaya ako iha...masaya ako."


I hugged her back. "Sige po, kain na tayo. Sila mommy at daddy ba nauna na?"


"Oo iha. Nagmamadali sila. Mukhang may importanteng meeting na aattendan."


I nodded my head and started eating.

It's my favorite breakfast.

Sinangag na may kasamang itlog at kamatis.




Bigla ay nagbukas ag pinto. Si Gen, nagmamadaling pumasok.


Umupo muna siya sa sofa bago nagsalita. "K. Nandito ba si Prim?"


I shook my head. "No. I don't think so she came here." Tinanong ko si Yaya Isi at sumagot din ito ng hindi pumunta si Prim sa bahay. "Why are you asking? At bakit nagmamadali ka?"

K A T A R I N A (•GXG•)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu