59.

14.4K 398 101
                                        










A








"Kumusta na siya?"


Tanong ko sa taong nasa harap ko. Habang tinatanggal ng nurse ang mga benda ko sa katawan at maging sa ulo ko. Nasa kwarto ako, ipinatong ng taong kausap ko ang isang folder sa lamesa.





"Andyan lahat ng impormasyon tungkol sakanya. Lahat ng gusto mong malaman. I've always kept her safe from afar."


Tumangu- tango ako.


Kinuha ko iyong folder at binuksan. Mga larawan niya agad ang bumungad saakin. May ibang mga naka- ngiti pero halos lahat na ng ibang natirang mga larawan ay nakasimangot siya. Napangiti ako habang tinitingnan ang mga iyon iyon, hinawakan ko ang isang larawan.


Hindi pa rin siya nagbabago. Mahilig pa rin magsungit.





Tiningnan ko ang taong nasa harap ko. "Nadeposit ko na 'yung bayad sa account mo."


Tumango ito at nagpasalamat. "Kumusta na ang lagay mo?"


Iginagalaw ko ang mga braso at kamay ko. Medyo nanghihina pa pero nagagalaw ko na sila. Hindi na kasing- manhid tulad ng pakiramdam ng buong katawan ko noon.





"Maayos na." Sagot ko dito.


"Kaya mo na bang bumalik ng bansa?"


Ngumiti lang ako sa tanong niya.


Siguro.


Hindi ko alam.


Hindi ko sinagot ang tanong niya.





"May pumoporma na bang iba sakanya?"



"Kasama sa usapan natin na babantayan ko siya pagdating sa bagay na 'yan.." Sagot nito. "Huwag kang mag- alala. Mukhang busy din siya sa pamamalakad ng kumpanya nila."


I clenched my fist. "Good. I won't let it happen anyway."





Itinulak ng nurse ko ang wheelchair kung saan ako nakaupo. Itinigil niya sa harap ng bintana ng kwarto ko. Dahan- dahan akong tumayo at tinanggal ang pagkakaharang ng kurtina sa bintana. Sinalubong ng mga mata ko ang liwanag.





"Magkikita rin tayo ulit.."

K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now