XIV.

21.5K 669 147
                                    

a/n: for the next chapters, magkakaroon na ng pov sina vero and maybe gen and prim. :) oraaaaayt! enjoy reading! :) 


A



"A-Aray..." Bigla ba naman akong itulak ni bruha. Muntik- muntikan na rin akong mahulog sa kama. Ang lakas din niya! Akala mo si babaeng maton! Talaga bang mapanakit ang mga estudyante rito?! Pakshet na malagket!

Dinuro niya ako. "You!" Mahina ngunit madiin niyang sabi.

"Miss Veronica Sy? What can I do for you?" Bigla'y tumahimik si bruha at pinapakinggan ang nag- uusap sa labas dahil hindi naman tuluyang nabuksan ang pinto. Dumating na ata 'yung nurse.

"Oh, I'm just going to visit my friend, Andrea Michelle Ruiz?" Sagot naman nung isang babae.

Sino 'yun?

Friend? Wala naman akong kaibigan dito! Imbento ampucha!

"Yes she's inside but let me just walk you in a moment." Sagot nung nurse ata.

"B-but I'm just wa-..." Biglang papahina na ang mga boses mula sa labas hanggang sa naglaho.

Wala na ring pumasok sa clinic. Napabuntong- hininga ako, pero nang mapunta ang direksyon ng mga mata ko kay bruha ay parang gusto kong matawa. Bumuntong- hininga rin ito at pumikit pa saglit akala mo eh sobrang nagpapasalamat kay Lord. Ano kayang problema ng isang 'to? May saltik din talaga eh!

Bigla'y sinalubong niya ang tingin ko bago ko pa ito tuluyang mabawi. "You!" Anong you nanaman? Oo, ako. Ako nga 'to. Ano bang ibig sabihin niya sa 'you' na 'yan? "Don't tell Vero that I came here okay?" Mapang- utos niyang saad.

Bigla'y umakto ako na parang isang solder at siya ang aking commander. Kumander bruha! Bwahahahaha! "Yes sir!"

Kinutusan niya ako. Aray! Ano ba 'yan! "I'm not joking around here. Don't go on telling her I came here to talk to you today you loser."

"Teka nga bakit ka ba loser ng loser saakin ha?! Saan ba ako natalo?"

Sinapo naman niya ang noo niya at ipinikit muli saglit ang mga mata na tila nawawalan nang pasensya. Nawawalan na rin naman ako ng pasensya sakanya aba! Sino bang tao ang hahayaang bigla na lang siyang binabatukan ng taong hindi naman niya close? Buti nga siya nababatukan ako eh! 'Yung iba dyan pag binabatukan ako eh nauuwi sa ospital.

Syempre, biro lang! Hehehehe!

"Stop smiling all by yourself. You look creepy!" Saway nito. "Now, I want you to swear that you won't tell Vero that I came here."

Swear swear pa? Akala mo naman totoo!

Tumango- tango na lang ako.

"I said swear!"

Nginisian ko siya. "Ano gusto mo? Pinky swear? Oh sige!" Inilahad ko ang daliri ko sakanya at hinawi naman niya iyon. "Ano ba! Ano bang gusto mo?!"

"Just tell me, look at me straightly into my eyes and say that you won't tell Vero once she's inside here that I actually came to talk to you." Habang sinasabi niya iyon ay nakatingin na kami sa isa't isa.

Hindi ko alam pero parang mas lalo atang gumaganda ang mga mata ng babaeng 'to kapag mas tumatagal ang titig mo. Mas nagiging mabait at anghel ang itsura. May daya ata ang kulay ng mga mata nito.

Napakadaya! Unfair! Masyadong pinagpala!

"Hindi ko sasabihin basta ba't titigilan na ako ng fans club mo." Doon ay napaawang ang bibig niya at binawi niya ang tingin saakin at nag- ayos ng pagkakatayo.

K A T A R I N A (•GXG•)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum